ni Lolet Abania | May 7, 2021
Pumutok ang Mount Sinabung na matatagpuan sa Indonesia ngayong Biyernes kung saan matinding nagbuga ng makakapal na usok at abo nang hanggang 2,800 metro sa kalangitan, ayon sa isang local geological agency.
Ang bulkan na mula sa North Sumatra province ay nagsimulang maglabas ng ash at volcanic materials nang alas-9:00 ng umaga habang tumagal ang eruption ng anim na minuto.
Wala namang inisyu na evacuation orders ang kinauukulan at wala ring flight disruption na nai-report.
Gayunman, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente na umiwas sa five-kilometer radius sa paligid ng crater, kung saan sa isang zone doon ay ilang taon nang walang naninirahan dahil sa mga volcanic activity.
"Residents and tourists should not do any activity around Mount Sinabung or relocated villages because the volcanic activities remain high," ani Muhammad Nurul Asrori, isang opisyal sa Mount Sinabung monitoring post.
Ayon pa kay Asrori, nananatili ang alert status ng bulkan sa level three.
Comments