ni Jasmin Joy Evangelista | October 21, 2021
Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang “Motorcycles for Hire Act” na layong isaayos at magkaroon ng sistema sa operasyon ng motorcycle taxis at delivery services bilang ‘common carriers’.
Sa ilalim ng panukala, ang motorsiklong gagamitin bilang motorcycle for hire ay dapat rehistrado sa Land Transportation Office (LTO) na naayon sa standards at specifications na itinakda ng Department of Transportation.
Kaugnay nito, umaasa si Samar Rep. Edgar Sarmiento na bago ang Pasko ay maisabatas na ito para maging magandang regalo sa libo-libong motorcycle for hire riders.
Comments