top of page
Search
BULGAR

Motorcycle lane, band-aid solution lang sa trapik

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 25, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Kinokonsidera ng Department of Transportation at ibang ahensya ang paglagay ng dedicated motorcycle lane sa EDSA upang maibsan ang malalang trapiko sa kalsada.

Nasa 170,000 motorsiklo daw kasi ang araw-araw na bumabagtas sa EDSA. Sa kasalukuyan, mayroon nang EDSA busway na ginagamit ng mga public utility bus.


☻☻☻


Matagal nang problema ang traffic congestion sa Metro Manila.

May epekto ang congestion na ito sa ating ekonomiya. Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P3.5 billion ang halaga ng “lost opportunities” dahil dito, na inaasahang ti-triple pa pagdating ng 2030.


☻☻☻


Ngunit hindi dedicated motorcycle lane ang lunas sa traffic congestion.

Sa katunayan, kaya lumobo ang paggamit ng mga alternative rides gaya ng motorsiklo ay ang kawalan ng maayos na mass public transport.


Nabigo tayong maglatag ng imprastruktura na tutugon sa pangangailangan ng lumalaking populasyon.


☻☻☻


Sa halip na band-aid solution, kailangang tutukan ng pamahalaan ang pagpaparami ng mga efficient na “people-carrier” kagaya ng tren at bus.


Hindi pa nga natin ma-maximize ang full potential ng MRT at bus lanes, pero mag-a-allocate tayo sa single passenger alternative. 


Kulang pa rin ang mga tumatakbong bagon, at siksikan pa rin sa bus at tren.


Kaya kawawa ang mga daily commuter na sumasakay papasok ng trabaho na preskong nakabihis at nakaporma, kasi nagiging mandirigma sila pagdating sa opisina.


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page