Most wanted sa Las Piñas, sangkot sa droga, nahulihan pa ng granada
- BULGAR
- Jun 15, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | June 15, 2021

Arestado sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Las Piñas City Police ang isa sa most wanted persons sa lungsod ngayong Martes.
Sa inisyal na report, kinilala ang suspek na si John Loyd Salazar, na nadakip dahil sangkot umano sa ilegal na droga. Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang isang granada.
Nakampante naman ang pulisya dahil hindi nanlaban ang suspek sa ginawa nilang operasyon at hindi rin nito ginamit ang granada.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Explosives.
Comments