ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 6, 2020
Inaresto sa Mexico, Pampanga ang hinihinalang high-ranking member ng New People’s Army (NPA) sa Central Luzon, ayon sa Philippine Army's Northern Luzon Command (NolCom).
Biyernes nang umaga nang maaresto ang suspek na kinilalang si Jose Bernardino a.k.a. Oying na hinihinalang NPA secretary ng Central Luzon’s Regional White Area Committee sa isinagawang joint operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Pampanga.
Pahayag ni PBGEN Valeriano De Leon, Police Regional Office 3 director, “Matagal din ito na minanmanan at nakakuha nga tayo ng impormante at saka nakakuha rin tayo ng pagkakakilanlan sa kanya at mga activities niya at mga kasamahan niya na ngayon ay nanunungkulan na sa gobyerno.”
Kasama umano si Bernardino sa most wanted list ng Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG). Pahayag ni Commander of the Army’s 7th Infantry Division Maj. Gen. Alfredo Rosario, “[He] is at the forefront of extortion, labor organizing and youth recruitment in Region 3’s urban areas.”
Narekober naman ng awtoridad ang Cal. 45 pistol, hand grenade, NPA flag atbp. dokumento sa suspek. Haharap din si Bernardino sa kasong illegal possession of firearms and explosives. Samantala, dahil sa pagkakaaresto kay Bernardino, tatanggap ng P4.7 million pabuya ang informant ng awtoridad.
Σχόλια