top of page
Search
  • BULGAR

Most wanted, dedbol sa shootout

News @Balitang Probinsiya | July 5, 2024




General Santos City — Isang most wanted criminal ang napatay nang manlaban sa pulisya kamakalawa sa Sitio Sharif Mucsin, Brgy. Baluan sa lungsod na ito.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Sajud Suib, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.


Napag-alaman na dadakpin sana ng mga otoridad ang suspek kaugnay sa kasong may kinalaman sa droga, pero biglang nanlaban at pinagbabaril nito ang pulisya.


Dahil dito, gumanti ng putok ang mga otoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.


Nakakumpiska ang mga otoridad ng isang baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



 

3 TULAK, ARESTADO SA COMPUTER SHOP


NEGROS OCCIDENTAL -- Tatlong drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa isang computer shop na ginagawang drug den sa Brgy. Rizal, Silay City sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek na pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa naturang barangay habang iniimbestigahan pa sila sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga otoridad na ginagawang drug den ang isang computer shop sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga  pusher.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 14 na gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



 

MAGSASAKA PATAY, 1 PA SUGATAN SA KIDLAT


ILOILO -- Isang magsasaka ang namatay at isa pang kasamahan nito ang sugatan nang tamaan sila ng kidlat kamakalawa sa bukirin na sakop ng Brgy. Pina, Maayon sa lalawigang ito.


Ang nasawing biktima ay kinilalang si Regie de Mesa, samantalang ang sugatan ay si Jovie Estorque, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa bukid sina De Mesa at Estorque, at ibang magsasaka ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa kanila.


Agad dinala ng mga kasamahan nilang magsasaka ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si De Mesa.


Sa pagsusuri ng mga otoridad ay nabatid na nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan si De Mesa na siya nitong ikinamatay, samantalang 2nd degree burns lang ang tinamo ni Estorque.



0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page