top of page
Search
BULGAR

Moreno at tahimik lang daw ang gusto... JESSY, AMINADONG 'DI TALAGA SI LUIS ANG IDEAL BF

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 21, 2020



According to Jessy Mendiola, hindi si Luis Manzano ang kanyang ideal man. Aniya sa panayam sa kanya ni Angeline Quinto para sa PadaLOVE online show nito, moreno at tahimik ang gusto niya sa isang lalaki na as we all know ay kabaligtaran ng boyfriend.


“Nu'ng simula pa lang talaga, as in, hindi ko talaga siya type, ‘yung hindi siya talaga ‘yung ideal na gusto ko, alam mo ‘yun?


“Kasi si Luis, mestizo. Ang talagang type ko noon, mga moreno, ‘yung pa-mysterious, 'di ba? ‘Yung mga tahimik, ganyan,” sey ni Jessy.


Pati personality nga raw nila ay magkaiba kaya at first ay talagang hindi sila nag-click agad.


“Hindi talaga kami same ng personality ni Luis. Napapansin n’yo naman, si Luis, napakakulit. Tapos ako, kalma lang akong tao. Pero siguro, more of, naging parehas na rin ‘yung hilig namin nu’n nagkakilala kami nang husto,” aniya.


Ganu'n naman daw talaga minsan, hindi ‘yung ideal type mo ang nakakatuluyan.


“Kumbaga, ito ‘yung proof na minsan talaga, you don’t end up with you know, ‘yung ideal na nakikita mong tao,” she said.


Pero nang tanungin ni Angeline kung si Luis na ang “the one” for her, agad na sambit ni Jessy, “Ay, oo naman, siya na talaga.”


Ewan kung biro, pero napaiyak si Angeline sa sagot ni Jessy. Nagpunas siya ng mata at aniyang natatawa rin, “Naiyak ako, masaya ako, naiyak, unfair naman.”


Dagdag pa ni Angeline, sana raw ay dumating na ‘yung time na masabi niya na “the one” na rin ang isang guy, pero wala pa raw.


Sabi naman ni Jessy, “Darating ‘yan, take your time.”


Anyway, dahil ang main topic nila ay tungkol sa “paasang love”, nabanggit ni Jessy na siya man ay naka-experience na pinaasa ng guy and not only that, na-ghost na rin daw siya.

“Maraming beses na,” pag-amin ni Jessy.


Sey naman ni Angeline, hindi siya makapaniwala sa gandang ‘yun ni Jessy.


“Naku, Angge, wala sa hitsura ‘yun. 'Pag ang lalaki, gustong mang-ghost, manggo-ghost talaga,” sagot naman ni Jessy.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page