@Editorial | August 10, 2021
Hangga’t may banta ng COVID-19, hindi talaga natin masasabi kung kailan matatapos ang mga ipinatutupad na community quarantine.
Sa ngayon, ang tanging magagawa ay ang sumunod sa mga panuntunan at manalig na makakatawid din tayo sa tinatawag na ‘new normal’.
Kasabay nito ay ang patuloy na pagsuporta ng gobyerno.
Tulad nitong pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay umano ng ‘emergency employment package’ sa mga displaced workers sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sa ilalim ng Tulong Panghanap Buhay para sa Displaced Workers (TUPAD), ang mga unemployed at self-employed workers, pati na rin ang mga nasa non-formal sector tulad ng mga vendors, drivers at mga kasambahay ay puwedeng mag-apply.
Bibigyan sila ng DOLE ng 10-araw na trabaho na may karampatang sahod.
Sa National Capital Region (NCR), aabot sa P537 kada araw o P5,370 sa 10-araw na pagtatrabaho ang matatanggap ng matatanggap na empleyado sa ilalim ng emergency employment program.
Maaari ring maging eligible sa programang ito ang mga nasa formal sector, na ang income ay nabawasan dahil sa pinaiksing working days o working hours.
Sana mas marami pang alternatibong hanapbuhay ang mabuksan, lalo na sa mga tuluyan nang nawalang ng trabaho ngayong pandemya.
Hindi naman isyu ang kakayahan at sipag ng mga Pinoy, sadyang dumating lang tayo sa panahon na walang choice kundi ang mabakante at napakalaking bagay na nagtutulungan ang bawat sektor, alang-alang din sa pagbawi ng bayan.
Commentaires