ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | September 21, 2022
Nagbunyi ang marami nating magsasaka kasunod ng kautusan ng aking ading na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na moratorium o pagpapaliban sa pagbabayad ng kanilang utang sa mga lupang kanilang sinasaka.
Malaki itong kaluwagan sa kanila dahil mababawasan na ang kanilang pasanin sa mga bayarin, lalo na't kaliwa't kanan ang gastusin sa mga binhi, abono, pestisidyo, irigasyon, imbakan ng kanilang mga ani, patuyuan ng palay, pagpapagiling nito at kung anu-ano pa.
Panahon na para suklian natin ang 50-taon nilang pagkakaalipin sa pangungupahan sa mga lupang kanilang sinasaka, lalo na't may sapat namang pondo ang gobyerno para sa kanila. Kung tutuusin, matagal nang bayad sa utang ang farmers ng kanilang pawis at luha at maging dugo.
Ang hakbang ng aking ading ay panimula pa lang ng kanyang pagpapaigting sa matagal nang pinangarap ng aking ama noong Oktubre 1972. At sampu ng aking pamilya, lalo na bilang Super Ate, itinutulak natin na talagang magmay-ari na ng lupain ang ating mga magsasaka.
Kaya hirit din natin bilang Super Ate, na isa pang IMEEsolusyon sa pagdurusa ng ating farmers ang pagpu-push na 'wag nang patulugin sa mga bangko at ibigay na lahat ang P5,000 na ayuda nila. Eh, meron kasing mga reklamo ang ating farmers, marami pang hindi nakakakubra nito?! DA, plis pakisuyo naman at tutukan ito.
IMEEsolusyon din natin na hindi talaga natin papopormahin ang anumang tangkang importasyon na nagpapahirap sa ating mga magsasaka. Dapat timplado at yung kailangan lang ang angkatin.
Isa pang IMEEsolusyon na ikaw, ako, tayong lahat ang maging mata sa mga umaabuso sa mga magsasaka. Protektahan natin sila, para hindi tayo makaranas ng kagutuman kahit pa may nakaambang food crisis sa buong mundo. Agree?
Komentáře