ni MC @Sports | July 10, 2024
Umuusok ang gulong at pedalan ni Jan Paul Morales nang makarating sa dulo ng meta ng finish line at hawakan ang paghahari sa Go For Gold Criterium Race Series 2 sa City Di Mare sa Cebu City.
Nagawang manaig ng reigning national champion ng Standard Insurance continental team mula sa isang batalyon na malulupit na riders at kumalas sa final 50 meters para lampasan sina Esteve Hora Jr. ng SIP team at Go For Gold’s Marc Ryan Lago sa finish line.
Naorasan si Morales, ang two-time local Tour champion at sprint specialist ng 55:00.79 sa men’s elite category matapos kumarera sa 35 laps ng 1.1-kilometer course kasama si Hora, ang Go For Gold Criterium Race Series 1 champion nitong unang bahagi ng taon, habang si Lago na ilang segundo lang na kabuntot.
"Naghintay ako ng tamang pagkakataon at nabiyayaan ng maganda sa dulo,’’ ani Morales sa pagtatapos ng day-long series ng karera na pakay na ibalik ang init ng pagtanggap sa sport sa naturang lugar.
Ang second phase ng three-leg race series at suportado ng Go For Gold, Scratchit, Cebu City govt at ng PhilCycling.
Umarangkada rin si Mathilda Krogg nang manguna sa women's open sa bilis na 41:04.71 (20 laps) habang ang teammates sa Standard Insurance na sina Raven Joy Valdez at Angela Joy Marie Bermejo ay dumating na segunda at tersera sa karera.
"Thank you to all Cebuano cyclists and cycling fans for coming over. Also, the support of Cebu City Vice Mayor Dondon Hontiveros made it doubly successful,” ani Go For Gold founder Jeremy Go, na nagpasalamat din sa cycling teams ng kompetisyon. Nagwagi rin si Steven Tablizo sa men’s under-23 category at iniwan sina Rorking Roque ng SIP at James Paul Ryan Escumbien.
Comments