top of page
Search
  • BULGAR

Morado-De Guzman at 10 pa sasabak sa Korean V-League

ni Gerard Arce @Sports | April 2, 2023



Umaasa si Creamline Cool Smashers Best setter at Finals MVP Julia Melissa “Jia” Morado-De Guzman na magkakaroon siya ng pagkakataong makapaglaro sa mas mataas na kalidad ng kompetisyon sa Korean V-League matapos itong mag-apply na makapaglaro rito kasama ang 10 pang Filipino.

Matapos gabayan ang Cool Smashers sa ika-anim na conference title, maghihintay na lang ang 27-anyos na eight-time best playmaker ng hanggang Abril 21 kung magbubukas ang panibagong pintuan para sa pangarap na makakita ng mataas na bakbakan sa Asya. “I want to be optimistic. I wouldn't apply naman if I'm not shooting for it,” pahayag ni De Guzman sa isang sports channel matapos magwagi ng Creamline kontra sa mahigpit na karibal na Petro Gazz Angels nitong Huwebes. “Whether I get it or not, I know I have the team's backing.”

Bukod sa dating two-time champion mula Ateneo Blue Eagles, kabilang din sa mga nagpasa ng kanilang credentials sina Dindin Santiago-Manabat ng Akari Chargers, Mar Jana Phillips ng Petro Gazz, Mylene Paat ng Chery Tiggo Crossovers, at sina Majoy Baron at Iris Tolenada ng F2 Logistics Cargo Movers para makakuha ng Asian Quota sa Korean V-League.

Parte ang ilang kalalakihan kasama sina Cignal HD Spikers' Marck Espejo, Manuel Sumanguid III, at JP Bugaoan, gayundin si Jao Umandal ng Cotabato Spikers na nag-apply para sa Asian Quota, kung saan gagawin ang draft sa Abril 25-27 sa Jeju Island.

Nagpapakita ng kanyang gilas at lakas si Jaja Santiago sa Japan V-League na hinirang bilang Best Blocker, habang nagwagi ng bronze medal ang mga ito sa V-Cup para sa Ageo Medics.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page