ni Eli San Miguel @News | June 26, 2024
Naobserbahan ang ‘Monster Ship' ng China na dumaraan sa mga tubig ng El Nido, Palawan at Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa isang eksperto nitong Miyerkules.
Tinatawag na ‘The Monster’ ang China Coast Guard (CCG) 5901, na dumaan sa Scarborough Shoal bandang alas-7 ng umaga, ayon sa dating opisyal ng US Air Force at dating Defence Attaché na si Ray Powell sa X (dating Twitter).
“Scarborough Shoal was CCG 5901's (The Monster) final visit in its intrusive patrol of the Philippines' EEZ," ani Powell. "It passed within 1-2 kilometers of the shoal at 0700 local time this morning," dagdag niya.
Sinabi rin ni Powell na dumaan ang ‘The Monster’ sa El Nido, Palawan noong Martes.
Nakita rin kamakailan ang barko ng China na dumaraan malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito'y ilang araw matapos mawalan ng hinlalaki ang isang marinong Pilipino at masugatan ang ilan pa matapos atakihin ng CCG ang mga rubber boats ng Philippine Navy.
Comentários