top of page
Search
BULGAR

MOIRA, PROUD NA NASA TIMES SQUARE BILLBOARD, BINARA NG NETIZENS

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 29, 2022




Super happy and proud at halos maiyak si Moira dela Torre sa kanyang IG post kung saan kinunan ng larawan ang billboard niya sa Times Square, New York City at personal niya itong nasaksihan.


Caption ng singer-composer, "Unreal... we made it to Times Square. I love you @spotify!!!"


Proud nga ang Star Music sa achievement na ito ni Moira at maraming netizens ang napa-wow at nag-congratulate sa kanya.


Sey ng mga followers niya, "Congratulations Moi!!! Well deserved!!! Love you forever, lovely!"


"CONGRATULATIONS AND SUPER DASURV QUEEN MOIRA, WE LOVE YOU FOREVER!!!”


"BEYOND PROUD OF YOU, QUEEN!!!!!


"SLAY QUEEN!!!! Nakaka-proud ka!"


Kung marami nga ang natuwa sa ipinost ni Moira, hindi naman nagpahuli ang mga bashers, dahil binasag nila ang kaligayahan ng singer at ng kanyang mga followers.


Komento ng mga bashers, "Jusme, ‘yung post, akala mo siya lang ang fineature ng Spotify.


Maraming female artists sa billboard na ‘yan.”


"Hahahahaha! Naha-hype pa kayo d’yan?"


"I’m sorry but as you can see, mga don't care ang mga foreigners sa hindi nila kalahi."


"Lahat yata ng artists sa ‘Pinas, may ganyan. Nothing new and dapat lang na i-promote si Moira ng Spotify ‘noh, kasi consistent siya na most streamed artist here.


"Gulat na lang ng mga taga-NY. Sino ba ‘yang nasa billboard, wit namin kilala.”


"Hahaha! ‘Di naman lahat. ‘Yung mga Asia’s something, parang hindi pa. Anyway, not a big deal."


"Nauna pa nga si Maris (Racal) d’yan. Si Moira, ngayon lang?"


"Baka antukin ang mga nakakakita niyan. Masyadong hype nito."


Dagdag pa ng ayaw magpahuling mga Marites… "Hindi naman sa ano, pero if you frequently pass by TS, you’d know maraming personalities ang napi-feature d’yan, targeted at specific demographics. Some are who’s who, others the who?"


"Magiging masaya naman siguro tayo kung magkaka-billboard tayo, ‘di ba?


"On the other note, it’s kinda cliche na kasi. Nu’ng una, masaya pang makitang may billboard sila d’yan, pero if pretty much everyone meron na, parang it’s common na lang."


"This is like a billboard in EDSA na walang paki ang mga tao ‘pag ‘di naman kilala kung sino ang nasa billboard."


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page