ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021
Nagsumite na ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang Moderna Inc., ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Rolando Enrique Domingo.
Aabot sa 13 million doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang bibilhin ng pamahalaan habang 7 million doses naman ang nakatakdang bilhin ng pampribadong sector ng bansa.
Sa Mayo inaasahang darating sa Pilipinas ang 194,000 doses ng Moderna at 1 million naman sa July.
Ang mga COVID-19 vaccines na nabigyan na ng EUA ng FDA ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, at Johnson and Johnson.
Samantala, umabot na sa 1.7 million doses ng Sinovac at AstraZeneca COVID-19 vaccines ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga vaccination sites simula noong Marso 1.
Comentarios