ni Lolet Abania | August 25, 2021
Ipinahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Moderna at AstraZeneca ay hindi na tumatanggap ng vaccine orders para sa first wave procurement ng kumpanya.
Sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes nang gabi, sinabi ni Galvez na ang Moderna at AstraZeneca ay kumukuha na lamang ng mga orders para sa second wave procurement nila. "Ibig sabihin, ibang produkto na 'yun.
Either it's a booster or a new product na second generation vaccine, hindi 'yung first generation vaccine," paliwanag ni Galvez. Ayon sa kalihim, hinihintay pa ng gobyerno ang presentasyon ng dalawang vaccine brands tungkol dito bago tuluyang umorder ng bakuna sa kanila.
Matatandaang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na ang tripartite agreements para sa pag-secure ng mga COVID-19 vaccines ay natigil dahil sa ang mga international drug manufacturers ay nabigla nang husto sa dami ng kumukuha ng bagong orders ng bakuna.
Ayon kay NTF spokesman Restituto Padilla ang mga vaccine makers ay hindi pa rin handang tumanggap ng bagong agreements kahit pa ang Vaccination Program Act of 2021ay pinapayagan ang mga local government units na bumili ng kanilang bakuna sa pamamagitan ng multi-party agreements.
Sa ngayon, ang pamahalaan ay nagsisikap na matugunan ang problema sa kakulangan sa supply ng COVID-19 vaccine upang makapagbakuna na ng 70 porsiyento ng populasyon ng bansa.
Commentaires