top of page
Search
BULGAR

Mobile registration kiosks, tulong sa mga magrerehistro ng SIM

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | January 8, 2023



Telcos at government agencies, tulungan ang mga subscriber sa SIM registration.


Ito ang ating hiling sa mga kinauukulan at telecommunications provider ngayong patuloy ang pagrerehistro ng mga SIM alinsunod na rin sa batas.


Partikular nating suhestiyon ang paglalagay ng mobile kiosk sa matataon na lugar, tulad ng mall, plaza at community center.


☻☻☻


Ito ay magsisilbing information at registration center, kung saan makakakuha ng impormasyon at tulong ang ating mga kababayan tungkol sa pagrerehistro ng kanilang SIM.


Hinihimok din natin ang mga awtoridad na maglagay ng free internet access upang makaagapay sa ating mga kababayan na walang access sa internet.


Ang kiosk ay magsisilbi ring pananggalang ng ating mga kababayan laban sa mga mapanlinlang na text messages, kahina-hinalang link sa mga website, pati na ang kalituhan na maaaring maidulot sa mga subscriber.


Maaari nating gawing modelo ang mga COVID vaccination centers na ginawa noong kasagsagan ng pandemya.


☻☻☻


Naiintindihan natin ang birth pains ng telcos, kaya mas mainam na i-simplify natin ang proseso sa pagre-register at tulungan 'yung mga hindi gaanong pamilyar sa online transactions.


Kaya gusto natin na ang DICT, NTC, ang mga telco, PIA, media at LGUs na mag-collaborate at magkaroon ng sistema, tulad ng ginawa sa vaccination drive but modified and adapted for purposes of SIM registration.


☻☻☻


Ngayong nagkakaroon ulit ng surge ng COVID cases sa China ay hinihimok natin ang mga awtoridad na maging maingat sa pagpapasok ng mga turista.


Dapat palagi nating priority ang safety. Safety ng ating mga kababayan at safety ng mga turista na pupunta sa ating bansa, lalo na at itinaas natin ang target na bilang ng mga turista ngayong taon.


Inaasahan nating darami ang mga turista habang papalapit ang Chinese New Year at kung hindi tayo magiging maingat, lalo na sa border control ay maaaring mag-trigger ito ng surge ng COVID cases sa ating bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page