ni Jasmin Joy Evangelista | October 23, 2021
Ipinag-utos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga opisyal ng barangay na damputin ang mga menor de edad na mahuhuling naglalaro sa labas ng kanilang tahanan.
Paalala ni MMDA chairman Benhur Abalos sa publiko, ang mga batang 17-anyos pababa, kasama ang mga senior citizen at mga buntis, ay hindi pa pinapayagang lumabas sa kanilang bahay kahit ibinaba na sa alert level 3 ang NCR.
“Ngayon kung hindi exercise ito, talagang bawal po iyon. Pangalawa, walang mask, naku, lalong bawal po iyon. Talagang dapat po sitahin ito dahil ito ay para sa mga bata, para sa pamilya nila,” pahayag ni Abalos sa press briefing sa Malacañang.
“You could just imagine ‘no, malalakas ang resistensiya ng bata but once they go home, hahawaan po nila lahat po ng pamilya nila. Remember why we are doing this, it is for the protection, para huwag kumalat at huwag mag-spread ang virus. That is the rule of thumb,” paliwanag pa ni Abalos.
Ngayong nasa alert level 3 ang NCR, ang mga menor de edad, senior citizen at buntis ay pinapayagan lamang makalabas kung magsasagawa lamang ng essential services tulad ng pagbili ng gamot o pagpunta sa clinic o ospital.
Comments