ni Jasmin Joy Evangelista | October 21, 2021
Paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority ang paninita sa mga lumalabag sa health protocols lalo ngayong pinapayagan nang lumabas ang mga bata kahit tuloy pa rin ang banta ng COVID-19.
"Maraming magpapatupad. It could be yung ating barangay, siguro maging yung ating traffic enforcers. Pwede pong sitahin ang mga bata para na rin po sa proteksyon nila ito. Hindi puwedeng kumalat o maglakwatsa ang mga bata nang sila-sila lang," ani MMDA chairman Benhur Abalos Jr.
Matatandaang mayroon nang mga palaruan na nag-o-operate sa isang mall sa Parañaque kung saan may mga bata na naglalaro, bagama’t iginigiit na bawal pang pumasok sa mall ang mga ito.
Nilinaw naman ng mall na outdoor ang lugar, na ayon sa pandemic task force ay puwede naman talaga.
Ipinaliwanag din ng lokal na pamahalaan na pinapayagan sa outdoor na playground ang mga menor de edad.
Comments