ni Jasmin Joy Evangelista | December 12, 2021
Naglabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng traffic advisory para sa motorcade nina dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na gaganapin sa Metro Manila ngayong Linggo, December 12.
Ayon sa advisory, manggagaling ang "green group" sa PITX papuntang Quezon Memorial Circle.
Ang caravan naman ng "red group" ay magsisimula sa South Road o Kalaw Avenue papuntang Quezon Memorial Circle.
2 lane ng mga tunnel at flyover sa EDSA ang ookupahin ng mga dadalo pero hindi nila maaaring gamitin ang EDSA Busway.
Ito ay matapos magdulot ng matinding traffic ang caravan nina Marcos at Duterte-Carpio noong Miyerkules, December 8.
Comments