top of page
Search
BULGAR

MMDA naglabas na ng guidelines sa mga magsasagawa ng motorcade at caravan sa NCR

ni Jasmin Joy Evangelista | December 13, 2021



Naglabas na ng guidelines ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga partido at organisasyong magsasagawa ng motorcades at caravans sa NCR.


Narito ang mga rules batay sa pahayag na inilabas ng ahensiya nitong Sabado:


* Ang MMDA ang magre-regulate, evaluate, at mag-i-issue ng permits sa mga motorcades/caravans na gaganapin sa NCR. Ang LGU naman na nakasasakop sa paggaganapan nito ay siyang naka-in charge sa mga aktibidad nito.


* Papayagan lamang ang mga motorcades/caravans tuwing weekend at holiday mula 5:00 a.m. hanggang 10:00 a.m.


* Ang mga organizers ay kailangang mag-apply ng Roadway Private Utilization Permit (RPUP) sa MMDA o concerned LGU. Kailangang nakalagay sa aplikasyon ang pangalan ng event, organisasyon, date, time, ruta, estimated na bilang ng mga sasakyang makikiisa, program of activities, at iba pang kaugnay na detalye.


* Kailangang sumunod ng organizers sa mga guidelines hinggil sa pandemya.


Matatandaang nagdulot ng mabigat na trapiko ang isinagawang caravan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte noong nakaraang linggo at kasunod nito ay humingi ng paumanhin ang kanilang kampo sa mga naapektuhan nito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page