top of page
Search

MMDA enforcer, sugatan matapos mabangga ng kotse sa loob ng busway

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 7, 2023




Sugatan ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa isang sasakyang pinara niya dahil sa pagpasok sa EDSA Busway sa Quezon City nitong Linggo ng umaga.


Kinilala ang traffic enforcer na si Jefferson Villaruel na sinabihan ang isang puting Honda City na lumabas sa busway na agad naman daw sinunod nito.


Pagbabahagi ni Villaruel, muli raw sinubok ng nasabing sasakyan na pasukin ulit ang daan kung na hinarang na ng enforcer ngunit bumangga na ito sa motor malapit sa Main Avenue EDSA Carousel kung saan doon na tumalsik ang biktima mula sa kanyang sinasakyan.


Kinilala ang driver ng sasakyang si Mark Anthony Bagtas na may sakay na dalawang babae.


Inamin ni Bagtas na nakainom siya ng mga oras na iyon at sinusubukan niya raw iwasan si Villaruel na naging dahilan ng pagbangga niya sa harang.


Magpapa-medical examination naman ang MMDA enforcer habang kasalukuyang inihahanda ang reklamo laban kay Bagtas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page