ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 18, 2021
Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang mixed martial arts fighter noong Sabado nang gabi sa Cubao, Quezon City kung saan nakumpiska ng awtoridad ang 1.8 kilogram ng kush marijuana na tinatayang nagkakahalagang P2.8 million.
Kinilala ang suspek na si Gary Espinar na residente ng Lajoya Subdivision, Barangay Dila, Sta Rosa, Laguna.
Ayon sa Northern Police District Drug Enforcement Unit, si Espinar umano ang itinurong source ng kush ng naarestong 2 drug suspects sa araw ding iyon.
Samantala, haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Espinar.
Comentários