ni Delle Primo / GA - @Sports | May 20, 2022
Isang hakbang na lang sa gold medal ang National esports team Sibol's Mobile Legends: Bang Bang team nang pumasok sa grand finals ng 31st SEAG matapos gapiin ang Singapore, 2-1.
Sa pangunguna ng world champions Blacklist International, agad umarangkada sa Game 1 at tiyakin ang bronze medal kung saan haharapin ang sinumang manalo sa Indon M3 world championship at dating core lineup.esia/Malaysia.
Tiyak na sa silver medal si boxer Rogen Ladon nang talunin kagabi sa semis ng flyweight ang Thailand at pumasok na sa final. Maging si Eumir Felix Marcial kontra Peerapat Yeasungnoen ng Thailand via 5-0 sa final round ng men’s under-75kgs. Natalo sa Indonesian si James Palicte sa -63 kgs, nagkasya sa bronze medal.
Gold medalist si Fil-Jap Rena Furukawa vs. Myat Noe Wai Chu ng Myanmar upang makuha ang full point score sa women’s 57kgs ng judo. Nakuntento sa silver si John Viron Ferrer sa men’s under-90kgs.
Naibulsa ni Megumi Kurayoshi Delgado ang bronze medal sa women’s under-63kgs.
Samantala, tiyak na sa bronze ang boxer na si Nesthy Petecio kontra Myanmar nang umusad sa semis round ng women's amateur boxing noong Miyerkules ng gabi.
Kasama sina Ian Clark Bautista (vs CAM), Marjon Pianar (vs INA), at Irish Magno (vs INA) sa kani-kanilang semis matches ngayong Biyernes habang kagabi ay bumabanat pa sina Josie Gabuco (vs THA) at Riza Pasuit (vs VIE) sa semis rounds din.
Lahat sila ay tumiyak na ng bronze medal at kung magtatagumpay kagabi at ngayong Biyernes, aabanse sa gold medal round sa Linggo.
Bronze naman si Rosegie Ramos sa women's 49 kgs class ng weightlifting, 4th place ang pinsan ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz’s na si Mary Flor Diaz sa women’s 45 kgs maging si Fernando Agad Jr. sa men’s 55 kgs.
Comments