top of page
Search
BULGAR

Miyembro umano ng drug syndicate.. 8 dayuhan na overstaying, arestado — BI

ni Lolet Abania | June 22, 2022



Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang walong overstaying na dayuhan sa National Capital Region (NCR) na hinihinalang mga miyembro ng isang illegal drug syndicate.


Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga foreign national ay dinakip ng BI fugitive search unit (FSU) sa koordinasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit sa Las Piñas at Makati City nitong Biyernes.


Sinabi ni Morente, ang mga dayuhan ay sasailalim sa deportation procedures sanhi ng tinatawag na undesirable dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na droga.


“However, they will be criminally charged and prosecuted in court and, if convicted, they will have to first serve their sentences before we can deport them,” ani Morente sa isang statement.


Ayon naman kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, dalawa sa mga inaresto ay Yemeni national, tatlong Sudanese, isang Djibouti national, isang Sri Lankan, at isang Kyrgyzstani national. Kinilala ang dalawang Yemeni nationals na sina Ayesh Hazem Faiz Kadaf at Ayesh Hamzah Faiz Kadaf na dinakip sa kanilang tirahan sa Las Piñas.


Hinuli naman ng BI ang Djibouti national na si Mohamoud Mouhoumed Mohamed sa isinagawang operasyon, kung saan nakuhanan ito ng illegal drugs.


Sa hiwalay namang operasyon, ang Sudanese nationals na sina Mohamed Alfaith Mohamed Saeed Osman, Eltayeb Ahmed Subahi Faris, at Angolan Ciel Do Carmo Miguel Domingos ay inaresto sa kanilang tirahan sa Poblacion.


Nakarekober din sa mga ito ng dangerous drugs. Gayundin, ang Sri Lankan na si Mohamed Silmy Sahabdeen at ang Kyrgyzstani national na si Anara Ruslanova ay inaresto rin sa ikinasang operasyon, habang nahulihan din ng ilegal na droga.


“We will not tolerate any foreign national destroying our communities by peddling illegal drugs. We are working closely with other government agencies to ensure that these criminals are deported and blacklisted from our country,” pahayag pa ni Morente. Kasalukuyang nakadetine ang mga foreign nationals sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page