top of page
Search
BULGAR

Mister, wa' paki… MATTEO, DYULALAY NI SARAH SA SHOW

ni Ambet Nabus @Let's See | May 7, 2024



Showbiz Photo
File photo: Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Naging bahagi kami ng bonggang-bonggang selebrasyon ng Bicol Loco Festival 2024 sa Albay mula May 2-5, 2024.


Inilunsad ang Hot Air Balloon Festival na talaga namang dinagsa ng mga tao sa halos lahat ng lugar from Bicol, at mula rin sa iba pang panig ng bansa, pati ng mga foreign visitors from UK, USA, Italy, France, Korea at iba pa.


Grabe, pasabog talaga ang project ng Ako Bikol Partylist sa pamumuno ni Cong. Zaldy Co at asawa nitong si Ma’am Mylene Co.


Nagkita rin kami ng aming kumpareng si Cong. Joey Salceda na part din ng selebrasyon pati na rin ng iba pang local media friends natin.


Naging highlight ng selebrasyon ang concert nina Sarah Geronimo at Bamboo nu’ng unang gabi. Dahil dito, umabot ng nasa 80 thousand ang tao sa crowd na dumating sa old airport ng Legazpi na siyang venue ng okasyon.


Solid ang performances nina Sarah G at Bamboo, winner na winner ang collaboration nila sa kantahan at sayawan to the delight of the Uragon fans.


Naging surprise guest din si Apl.de.Ap nang bigla itong umakyat on stage at nakipag-jamming kina Sarah at Bamboo.


Ang mahusay na program host na si Robi Domingo ang nag-host nu’ng day one ng festival. Gustuhin man niyang mag-host uli sa second night ay hindi na rin puwede dahil grand finals 'yun ng The Voice at kailangan na nilang bumalik sa Manila.


Nagmistula ngang The Voice show ang first night minus Lea Salonga (mga OG coaches) dahil kina Robi, Sarah G., Apl.de.Ap and yes, kay Maestro Louie Ocampo na siyang musical director ng show, hahaha!


Well, gusto rin naming bigyan ng credit si Matteo Guidicelli, na nagsilbing “PA” (personal assistant) ni Sarah bukod sa pagiging hands-on “technical guy” nito sa backstage. Alalay kung alalay talaga ang guwapong asawa ng pop royalty, kahit pa sabihin nating meron din naman itong sariling career at followers.


Hinangaan din namin si Sarah na walang kaarte-arteng ginamit ang “portalet” na nasa area ng kanilang tent. Kung sa ibang pa-diva 'yun, sure kaming magre-request pa ng totoong CR o toilet ang management o mismong artist, mereseng nasa open grounds nga ang event.


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page