ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 19, 2021
Mukhang paninindigan na nga ni Kylie Padilla ang pagiging single mom matapos makipaghiwalay kay Aljur Abrenica.
Balitang nilalakad na ni Kylie ang proseso upang maipa-annul ang kasal nila ni Aljur pero mukhang hindi matatanggap ng aktor.
Gusto pa rin ni Aljur na ayusin ang problema nila ni Kylie at magkasama-sama pa silang muli.
Mahal na mahal ni Aljur ang dalawa nilang anak na sina Alas at Axl. Kahit puwede naman niyang mahiram ang mga anak nila ni Kylie, iba pa rin kung kumpleto silang magkakasama.
Hindi magiging madali para kay Aljur na muling makuha ang tiwala ni Kylie. Kailangang patunayan niya na nagbago na siya at magiging loyal at faithful husband na.
Ibang-iba na ngayon ang outlook sa buhay ni Kylie. Prayoridad na niya ang kanyang mga anak at hindi ang dating asawa.
Handang patunayan ni Kylie na kaya niyang mag-survive being a single mom lalo na at may career pa siyang masasandalan.
Comentarios