top of page
Search
  • BULGAR

Mister, sobrang supportive raw sa mga bata… HEART, AMINADONG MAS ISTRIKTO SA MGA ANAK NI CHIZ

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 18, 2024


Showbiz News

Para kay Heart Evangelista, best moment kapag nakikita niyang magkasama ang kanyang ama at mister na si Senate President Chiz Escudero.


“My best moment with my dad, alam mo kapag nakikita ko sila ng asawa ko na magkasama. Natutuwa ako kasi nadudugtong ko kung saan ako nanggaling at saan ako ngayon, so it really matters, it’s really special to me,” pahayag ni Heart sa panayam sa kanya ng GMA-7 in celebration of Father’s Day last Sunday.


Inilarawan din ng global fashion icon and Senate First Lady ang kanyang mister bilang ama sa kambal nitong anak na sina Quino and Chesi.


“Si Chiz, bilang isang dad sa mga anak n’ya, iba s’ya. Sobrang supportive n’ya, parang ako pa nga ‘yung istrikto pero napaka-blessed ng mga bata na meron silang ganu’ng klase ng tatay kasi he’s very present,” saad ni Heart.


Samantala, makikita sa latest post ni Heart na lumipad na naman patungong Paris ang aktres/fashion icon para sa Paris Fashion Week.


Nag-post si Heart ng larawan habang nasa eroplano at sa caption, sey niya, “Caviar and self love (airplane emoji) welcome to my favorite playground, Paris!”


 

Kasabay ng Father's Day… 

DONNALYN, UMAMING ADOPTED LANG 


Donnalyn Bartolome


Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day last Sunday ay naglabas ng rebelasyon ang singer/vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kanyang YouTube channel. 


Sa kanyang vlog na may titulong “I’m Adopted,” ini-reveal niya na ang kinikilala niyang ama ngayon ay hindi ang kanyang biological father kundi ang kanyang stepfather na labis niyang pinasasalamatan dahil itinuring at minahal daw siyang parang tunay na anak.


Hindi rin napigilan ni Donna na maging emosyonal habang ino-open up ang kanyang tunay na pagkatao.


“I realized na kaya pala stepfather (ang tawag) is because he took the step of being my father,” umiiyak niyang pahayag.


“It’s far greater love that I was meant to have,” dagdag pa niya.

“I’m not crying because I’m sad, I’m crying cause I’m so thankful,” sey pa niya.


Wala naman daw siyang galit sa kanyang biological father and in fact, nagbibigay daw siya ng tulong sa kanyang paternal side.


“Hindi naman po ako nagtanim ng sama ng loob. Pero hindi na rin po ako naghahabol ng pagmamahal kasi ipinaramdam sa akin ng Diyos na karapat-dapat ako sa pagmamahal na kusang ibinibigay,” aniya.


At bilang Father’s Day ay ipinakita ni Donnalyn sa kanyang vlog ang sorpresa niyang regalo sa kanyang stepfather at ito ay isang franchise business sa Dubai branch.


Bukod dito ay nagpagawa rin siya ng malaking billboard ng ama sa EDSA kung saan ay nakalagay ang larawan nilang mag-ama with matching Father’s Day greetings.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page