top of page
Search
  • BULGAR

Mister ni Regine, 'di na nakatiis… OGIE, NAGSALITA NA SA PAMAMAHIYA SA KANYA NI VICE

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 11, 2024



Showbiz News


Sa gitna ng sunud-sunod na pamba-bash kay Vice Ganda recently, matapang na nagpahayag ng kanyang suporta si Ogie Alcasid para sa co-host sa It’s Showtime.

Sa kanyang X (dating Twitter) account ay ipinagtanggol ni Ogie si Vice at sinabing naninindigan siya para sa kaibigan.


“This is long overdue. There is a friend I know who comes to work only with the sole intention of making people happy,” simula ng tweet ni Ogie.


Sinabi rin niyang si Vice raw ang sumasalo ng lahat para sa show at sa mga kasamahan.

“This person takes it all- for the team, for the show, and for the madlang pipol. This is why I stand for this friend of mine imperfect as she is. Love you Meme,” sey pa niya.


Ever since ay wala naman talagang tigil ang pamba-bash kay Meme Vice at halos lahat ng sabihin niya ay binibigyan ng ibang kahulugan ng mga tao lalo na nga ang mga pang-ookray niya sa It’s Showtime.


Lately nga ay pinuna pa ng mga netizens na lagi raw ipinapahiya ni Vice si Ogie kaya naman marahil ay hindi na nakatiis ang singer-songwriter at ipinagtanggol niya ang katrabaho’t kaibigan to prove na rin na okay silang dalawa.

 

 

Ipinakita ni Heart Evangelista ang kanyang all-out support sa kanyang stepdaughter na si Chesi para sa first-ever prom na dadaluhan nito.


Sa reel na ipinost ng global fashion icon sa kanyang Instagram, makikita ang pagiging hands-on mom nito sa anak ni Senate President Chiz Escudero na dalaga na pala, by the way.


Mapapanood sa video na si Heart mismo ang tumutulong kay Chesi sa pag-aayos nito para sa prom, making it sure na okay ang lahat mula sa damit hanggang sa hair and makeup.


“Our baby is now (a) lady!” caption ni Heart sa kanyang post.

Patuloy niya, “Our darling @yooniverse_c7 Chesi surrounded by her friends and loved ones as she officially goes to her first prom.”


Makikita rin sa video na ang date niya sa prom ay ang Sparkle actor na si Bryce Eusebio. 

Nag-post din si Bryce ng ilang photos nila ni Chesi sa kanyang Instagram (IG) at sey niya sa caption: “Unforgettable (first pic is me being nervous).”


Sa comment section naman ng post ni Heart ay super-touched ang mga netizens sa pag-aasikaso ng aktres sa stepdaughter. Pinuri rin nila ang magandang relasyon ni Heart sa dalawang anak ng kanyang mister.


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments… "Seeing Heart in her mother mode makes my heart warm. I don’t even know why, nakaka-happy lang panoorin.”


“Mom duty pero bakit nagmukhang mag-sister lang sila (in love emoji).”


“Watched this more than 10 times. I swear! I just love it! Love the vibe! Love the authentic happiness and love! Super!!!”


“Napakasuwerteng bata. Si Heart ang stylist.”     

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page