ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 14, 2023
Tawang-tawa kami sa pagiging honest at prangka ng social media influencer-vlogger at ngayon ay TV star na ring si Toni Fowler na kasama sa cast ng FPJ's Batang Quiapo na nagsimula na ngang umere kagabi, Lunes, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at iba pang social media platforms ng ABS-CBN.
Nakasabay kasi namin ito sa pila nang magpa-antigen test kami bago ang mediacon ng Batang Quiapo last week.
Hindi pa nga namin agad nakilala si Toni dahil feeling namin ay pupunta lang ito sa mall sa kanyang outfit, although sexy siya kaya mapapalingon ka.
Nu'ng sinabi na ng kasama namin na si Toni Fowler pala ang nasa likod namin, dialogue ko sa kanya, "Ay, akala ko si Jelai Andres, magkamukha kasi kayo."
Nagulat kami sa sagot ni Toni na "Aaay, sabunutan ko kaya 'tong si ateh," na sa tonong nagbibiro naman.
Naintriga kami dahil 'di kami aware sa isyu nila ni Jelai kaya tinanong namin kung may away ba sila.
Ikinuwento naman ni Toni na aminado siyang may mali kay Jelai dahil naging dyowa nga niya ang mister nitong si Jon Gutierrez ng Ex-Battalion, pero nag-sorry na raw siya noon pa kay Jelai, kaso hindi siya mapatawad nito.
Kaya ang hirit namin sa kanya, "Ah, kaya ka pala nagustuhan ng dyowa ni Jelai, kasi nga magkamukha kayo."
Sagot niya, "Mas maganda naman ako kay Jelai," kaya kantiyaw namin sa kanya, hanap-away siya, ha?
At sa tanong kung paano kung one day, magkasalubong sila ni Jelai, aniya, hindi mangyayari 'yun dahil nasa GMA-7 si Jelai habang siya ay nasa ABS-CBN naman.
Hmmm, maliit ang mundo ng showbiz, 'no!
Maraming showbiz celebrities na into baking ang inimbitahan para dumalo sa gaganaping Bakery Fair 2023 sa March 2 to 4 sa World Trade Center Manila kung saan magkakaroon ng FCBAI Bakers Cup Wedding Cake Competition to be awarded on March 2.
Sa ginanap na mediacon kahapon kung saan dumalo ang mga officers ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) sa pangunguna nina President Gerik Chua, past President Henry Ah and other officers, inisa-isa nila ang magaganap sa three-day event na ito na in fairness, every two years ginaganap at nu'ng mga nakaraang Bakery Fair, pinupuntahan daw talaga ng mga celebrities tulad nina Janice de Belen, Ara Mina, Jaime Garchitorena, Melissa de Leon at marami pang iba.
At sa gaganaping Bakery Fair 2023, iniimbitahan nila ang lahat ng baking, pastries and food enthusiasts para dumalo lalo't free naman ang entrance.
Ito ang pagbabalik ng Bakery Fair after four years mula nang magkaroon ng global pandemic at ito na rin ang inaasahang simula ng revival ng Philippine baking industry despite inflation and other challenges.
Para sa mga gustong magpa-pre-register for Free Entrance to the Bakery Fair 2023, follow the online link https://www.bakeryfair.ph
The biggest and most star-studded Philippine bakery event, Bakery Fair 2023 has 136 exhibitors covering 10,000 square meters or one hectare of the World Trade Center. There shall also be many educational technical seminars by different top bakery industry-related companies, bakers, chefs and experts.
Isa pang important event sa Bakery Fair 2023 ay ang Angel Cup 2023. The Angel Cup-Bread Display Competition highlights the making of Bread Showpiece, Artisan Bread, Healthy Bread and Sweet Dough with dough filling.
FCBAI is part of the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), the umbrella business and civic organization of 170 Filipino Chinese chambers of commerce and trade organizations from Aparri to Tawi Tawi.
Comments