top of page
Search
BULGAR

Mister, never maso-solo… MAINE, TANGGAP NA MAY KAHATI KAY ARJO

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 15, 2024



Showbiz News

Sa katatapos lang na thanksgiving/Christmas Party for the press pipol ni Cong. Arjo Atayde ay natanong ito ni yours truly during Q&A portion kung paano niya nagagawang pagsabayin ang dalawa niyang career bilang actor at politician.


“Lahat naman tayo ay may stress siguro. The way to manage the stress is a time management.


“Going work during my break sa Congress ng isang buwan, isang buwan at kalahati or minsan, dalawang buwan, hindi naman talaga bakasyon. Nagtatrabaho pa rin naman kami to serve ang ating mga kababayan especially sa distrito namin. At least, na-accomplish naman namin all the work.


“Salamat sa lahat. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series,” pahayag ng aktor na kamakailan lang ay nagwaging Best Actor sa ContentAsia Awards 2024.


Nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya sa pagiging supportive sa kanya sa gitna ng kanyang busy schedule, lalo na sa kanyang misis na si Maine Mendoza. 


“First time ko sa Taipei (para sa ContentAsia Awards 2024), this is such a reward for the first time here. Last but not the least, my family. Thank you so much to my family for support, so much, to my wife who understands so much of the hard trabaho na malinaw na kailangan nating gawin upang magawa ito,” sabi niya. 


Hindi raw demanding si Maine sa kanyang oras at naiintindihan nito ang tungkulin niya bilang kongresista sa kanyang mga constituents sa 1st District ng Quezon City.

Nagpasalamat din si Atayde sa ABS-CBN at sa mamamayang Pilipino sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong kumatawan sa Pilipinas sa ContentAsia Awards 2024.


Aniya, “Sa ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, at siyempre, kay Sir Ruel Bayani, maraming salamat sa pagkakataong ito. Sa mga Pilipino, sa ABS-CBN, maraming-maraming salamat.”


Samantala, nakuha rin ng youth-oriented show na Zoomers ang Gold Award para sa Best Asian Short-form Drama/Serye na tinanggap ng direktor ng palabas na si Theodore Boborol. 


Ang A Very Good Girl (AVGG) ng Star Cinema ay nanalo ng Best Asian Feature Film/Telemovie Bronze Award. 


Nakuha naman ng Trespassers mula sa Nippon TV ang ginto, habang ang Firefly ng GMA-7 ang nakakuha ng silver trophy.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page