ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 27, 2023
KATANUNGAN
Gusto kong malaman kung makakapag-abroad ba ang mister ko na nag-a-apply ngayon bilang seaman? Dati na siyang seaman, pero sa local shipping company siya naka-pasok. Ngayon lang niya naisipang mag-abroad at sumubok na mag-apply sa ibang bansa para raw mas malaki ang kita.
Matutuloy ba ang mister ko at kung oo, kailan siya makakasampa sa barko na pang-international at magiging maganda ba ang kalagayan niya sa abroad?
KASAGUTAN
Kapansin-pansin ang malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng iyong mister. Ibig sabihin, ayon sa guhit ng kanyang palad, sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa kapalaran ng iyong mister.
Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ang iyong asawa bilang seaman ay madali namang kinumpirma ng kanyang lagda na tila alon ng dagat na pakurba-kurba at nagtapos sa paitaas na guhit.
Ibig sabihin, sa kasalukuyan ay nasasagap na ng unconscious niyang isipan ang napipintong napakaganda at napakabunga na paglalakbay sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano at sasakyang pandagat. Sa bandang huli, ang nasabing pangingibang-bansa, bilang mandagarat ang magdadala sa buong pamilya sa mas masagana at maunlad na pamumuhay.
MGA DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa mga datos ng mister mo, Jocelyn, tunay ngang hindi ka dapat mainip dahil tiyak ang magaganap— hindi matatapos ang taong ito ng 2023, sa buwan ng Setyembre o Oktubre at sa edad niyang 33 pataas, makakapag-abroad na ang mister mo bilang seaman.
Tulad ng inaasahan at tulad ng nabanggit, ang nasabing pangingibang-bansa ang siya na ring magiging simula upang tuluy-tuloy nang umunlad at umasenso ang inyong kabuhayan.
Comments