ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 9, 2022

Batay sa mga latest na kaganapan, mukhang imposible na nga na magkaayos at magkabalikan pa ang showbiz couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Pera ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. Diumano, na-scam nang milyun-milyon si Tom nang sumali sa isang partylist na hindi naman pumasa sa standard ng COMELEC.
Nagkaroon pala ng ambisyon si Tom na pumasok sa pulitika kaya madali siyang nahikayat ng naturang partylist group.
Ang siste, sa milyones na nawala kay Tom, malaking bahagi nito ay ipon ni Carla Abellana. At 'yun ang dahilan ng kanilang matinding away.
Walang sinumang makakakumbinse kay Carla na bigyan ng second chance si Tom.
Umayaw na nang todo ang Kapuso actress at naging bingi at bulag sa mga pakiusap sa kanya ng dating mister. Kaya, 'wag nang umasa pa ang mga tagahanga ng TomCar na may balikang magaganap. Hayaan na munang magkaroon sila ng kani-kanilang buhay.
Comments