top of page
Search
BULGAR

Mister, gustong makuha kustodiya ng anak sa taksil na misis

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 12, 2024


Dear Chief Acosta,


Nahuli ko ang aking asawa na niloloko ako, at nang kumprontahin ko ay umamin siya na isang taon na pala ang relasyon nila ng kanyang kabit. Sa tingin ko ay hindi na kami magkakaayos dahil hindi lamang ito unang beses na nangyari. Ang gusto ko na lamang ay mapunta sa akin ang kustodiya ng aming anak na limang taong gulang, ngunit hindi kami magkasundo sa usaping ito. Maaari ko bang kunin ang kustodiya ng aming anak? -- Florencio


Dear Florencio,


Kapag ang pag-ibig ay nawala sa pagitan ng mag-asawa at hindi na talaga maiiwasan ang paghihiwalay, ang pinakamasakit na tunggalian ay kadalasang tungkol sa pangangalaga ng kanilang mga anak. Kaugnay nito, alinsunod sa Family Code of the Philippines, bilang pangkalahatang tuntunin, mas gusto/preferred ang isang ina sa paggawad ng kustodiya ng mga batang wala pang 7-taong gulang, maliban kung ang hukuman ay nakahanap ng dahilan upang mag-utos ng taliwas dito. Sa katunayan, ito ang naging talakayan ng ating Korte Suprema sa pinagsama-samang mga kasong Joycelyn Pablo-Gualberto vs. Crisanto Rafaelito Gualberto V (G.R. No. 154994, 28 June 2005) at Crisanto Rafaelito Gualberto V vs. Court of Appeals, et. al. (G.R. No. 156254, 28 June 2005), sa panulat ni Honorable Chief Justice Artemio V. Panganiban kung saan sinabi na: 


“As pointed out earlier, there is express statutory recognition that, as a general rule, a mother is to be preferred in awarding custody of children under the age of seven. The caveat in Article 213 of the Family Code cannot be ignored, except when the court finds cause to order otherwise.


The so-called “tender-age presumption” under Article 213 of the Family Code may be overcome only by compelling evidence of the mother’s unfitness.  The mother has been declared unsuitable to have custody of her children in one or more of the following instances: neglect, abandonment, unemployment, immorality, habitual drunkenness, drug addiction, maltreatment of the child, insanity or affliction with a communicable disease.


xxx


But sexual preference or moral laxity alone does not prove parental neglect or incompetence.  Not even the fact that a mother is a prostitute or has been unfaithful to her husband would render her unfit to have custody of her minor child. To deprive the wife of custody, the husband must clearly establish that her moral lapses have had an adverse effect on the welfare of the child or have distracted the offending spouse from exercising proper parental care.


Ayon sa kasong nabanggit, kahit na ang isang ina ay naging taksil sa kanyang asawa ay hindi sapat na dahilan ito para tanggalan siya ng karapatan sa kustodiya ng kanyang anak na wala pang 7-taong gulang. Upang bawian ng kustodiya sa anak, dapat na malinaw na maipakita na ang moral lapses ng isang inang nagkasala ay nagkaroon ng masamang epekto sa kapakanan ng bata. 


Samakatuwid, sa iyong sitwasyon, kailangan mong maipakita na ang tamang moral at sikolohikal na pag-unlad ng bata ay nagdusa bilang resulta ng pakikipagrelasyon ng iyong asawa sa kanyang kabit, upang igawad sa iyo ng korte ang kustodiya ng iyong anak.


Nawa ay nasagot namin ang iyong katanungan. Nais naming ipaalala sa iyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa iyong mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.  Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page