top of page
Search

Mister, 'di raw lulong sa sugal… COLEEN, UMAMING NAGMA-MAHJONG SILA NI BILLY

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 23, 2023



Nalulong umano si Billy Crawford sa sugal na mariin namang itinanggi ng misis nitong si Coleen Garcia.


Naitanong ito sa kanya nang maispatan ang aktres ng ilang entertainment press sa isang event kamakailan.


Walang kaalam-alam ang TV host-actress na natsitsismis na ang kanyang mister.


May usap-usapan kasi recently na nalulong umano sa sugal si Billy. Tila nagulat at nabigla pa nga si Coleen sa tanong at nilinaw niyang hindi sila nagsusugal ng mister.


“Hindi kami nagga-gamble. Mahilig lang kaming mag-mahjong sa bahay. No! Saan nanggaling ‘yun? Sobrang random nu’n. Wala,” wika niya.


Nabanggit din niya na matagal nang walang bisyo si Billy. Kaya proud daw siya sa mister na nagtagumpay na labanan ang bisyo, partikular na ang drinking problem nito.


“Parang ang bisyo na lang niya is vape because he quit alcohol for about four years. Eight years naman ‘yung yosi,” paliwanag ni Coleen.


Dugtong pa niya, “Kaya it’s kind of sad when people say that. But he’s the healthiest that he’s ever been.”


Kung inyong matatandaan sa isang panayam noon kay Billy, nabanggit niyang mula nang mag-asawa siya ay itinigil na niya ang lahat ng kanyang bisyo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page