top of page
Search
BULGAR

Missing sabungero, 34 na

ni Lolet Abania | March 4, 2022



Umabot na sa 34 ang nawawalang sabungero matapos na madagdagan ng tatlo pa ang naunang naitalang 31, ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.


“Thirty-one lang pala ‘yung allegedly missing persons involved in game fixing but meron pa palang three missing persons ang allegedly involved in cloning accounts,” pahayag ni Dela Rosa sa ginanap na hearing ngayong Biyernes ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na siyang chairman.


“This brings to a total of 34. Correction po hindi 31, kundi 34 na ang missing persons na recorded by the PNP (Philippine National Police),” sabi ni Dela Rosa.


Ito ang kinumpirma ni Police Brigadier General Eliseo Cruz, chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa naging pahayag ng senador.


Subalit, ayon kay Cruz, anim lamang sa mga ito ang hawak ng kanyang tanggapan.


“Yes, sir. But we are only handling six cases,” ani Cruz.


Hiniling naman ni Dela Rosa kay Cruz na imbestigahan din ang iba pang nawawalang sabungero, habang sinabi ng hepe ng CIDG na nakikipag-ugnayan na sila sa mga Police Regional Offices.


Una nang napabalita na ang pinakamaraming nawawalang sabungero ay matatagpuan sa Laguna na may 19, anim naman sa Maynila, anim sa Batangas, dalawa sa Bulacan habang ang isa ay dinukot sa bahay nito sa San Pablo, Laguna.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page