top of page
Search
  • BULGAR

Missile ship ng China, hinabol ang sibilyang barko ng 'Pinas sa WPS

ni Angela Fernando @News | Sep. 30, 2024



News Photo

Hinabol ng isang barkong pandigma ng China ang isang sibilyang barko ng 'Pinas malapit sa Ayungin Shoal o Bulig Shoal sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan. 


Ito ang unang pagkakataong hinabol ng barko ng  China ang isang sibilyang sasakyan habang nagsasagawa ng maritime patrol.


Patungo sana sa Hasa-Hasa Shoal ang BRP Datu Romapenet, isang sibilyang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nu'ng Setyembre 27 upang maghatid mg tulong at mga supply sa mga mangingisda sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente.


Samantala, nagpaabot ng pag-aalala si Dr. Chester Cabalza, direktor at nagtatag ng International Development and Security Cooperation sa pinakabagong insidente ng agresyon ng nasabing bansa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page