top of page
Search

Miss Universe, proud pa raw na gumawa ng history… PIA, FIRST PINAY NA RUMAMPA SA L'OREAL PARIS, BUKING NA FAKE

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Sep. 26, 2024



Showbiz News

Pinalagan ng ilang netizens ang kine-claim diumano ng kampo ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na gumawa siya ng history being the first Pinay na rumampa sa katatapos lang na L'Oreal Paris La Defile Fashion Show.


May ilang netizens na nagpadala sa amin ng link ng ilang online reports na nagsasabing bago pa si Pia, may mga una nang rumampa sa L'Oréal Paris runway.


Ayon sa published report ng Coconuts Manila nu'ng March 10, 2016, isang 17-year-old na Spanish-Japanese-Pinay named Rina Fukushi ang rumampa sa Paris Fashion Week kasama sina Kendall Jenner and Gigi Hadid.


At ayon naman sa Instagram post ng "sashesandscriptsofficial",  "Meet the 1st Filipina to walk the runway of the L'OREAL event, Stephanie Valentine aka @glamzilla"This Canadian beauty influencer with Filipino roots walked after L'Oreal global ambassador Cara Delevingne during the event that celebrated past and present L'Oreal ambassadors like Jane Fonda, Andie McDowell, Viola Davis, Aishwarya Rai Bachchan, Heidi Klum, Kendall Jenner, Anitta, Cindy Bruna, Camila Cabello, among others."


At bago pa man daw si Pia Wurtzbach, sina Bloom, Valentine at Lukresia ng Cebu ang mga nauna nang nagrepresenta ng mga Filipina para sa Paris beauty brands.

Hala, ano kayang masasabi ni Pia tungkol dito? 


Bukas ang aming pahina para sa panig ng ating Miss Universe 2015, na kamakailan ay inakusahan naman ng pagnanakaw diumano sa video na ipinost niya sa kanyang IG account.


 

Ayaw nang magpa-sexy… 

AJ, BALIK-SHOWBIZ, GAGAWIN DAW CONCERT QUEEN


AJ Raval - IG

HINDI naman pala totoong ayaw nang mag-artista ng anak ni Jeric Raval na si AJ Raval.

Nakausap namin kahapon si AJ sa Zoom mediacon para sa Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) first advocacy digital series na West Philippine Sea o WPS.


Paglilinaw ni AJ, ang paggawa ng sexy films lang sa Vivamax ang inayawan na niya kaya siya pansamantalang nawala sa showbiz. 


Nag-aral daw siya at gumawa ng mga makabuluhang bagay para magamit niya ang kanyang pagiging artista.


At kaya raw niya tinanggap ang lead role para sa WPS ay dahil naniniwala siya sa ipinaglalaban ni Doc Mike Aragon ng KSMBPI na dapat mapanood ng buong Pilipinas at kahit ng ibang bansa ang tunay na nangyayari sa West Philippine Sea para matigil na raw ang pambu-bully sa atin ng China.


Nagpramis naman si Doc Mike na tutulungan si AJ sa pagle-level-up bilang aktres at in fact, gusto pang gawing Concert Queen ng KSMBPI founder ang dating sexy actress na isasabak daw niya sa mga provincial/mall/campus tour at iba't ibang fiesta para mag-perform at nang mai-promote na rin ang awareness ng mga tao sa WPS digital advocacy series.


Nilinaw din naman ni AJ na personal choice niya ang pagtalikod na sa pagpapa-sexy at hindi dahil binawalan siya ng boyfriend na si Aljur Abrenica na kasama rin niya sa WPS.

Hindi naman daw nila first time magkasama ni Aljur sa isang project kaya hindi sila mamomroblema sa shooting.


Mature na rin daw si Aljur sa edad nitong 34 at hindi na ginagawang big deal ang mga bagay-bagay kaya walang dapat ipag-alala magkaroon man sila ng tampuhan o away sa shooting. Meaning, hindi makakaapekto sa kanilang role o trabaho kung may personal issues man sila dahil professional daw silang pareho.


Samantala, tiniyak ni Doc Mike na tuluy-tuloy lang ang magiging istorya ng WPS hangga't hindi raw nareresolba ang isyu sa pag-angkin ng China sa teritoryo ng ating bansa.

Target nilang iere ang WPS sa DZRH radio station at teleradyo simula sa Nov. 1 at mapapanood din daw ito sa Vivaone streaming app.


Nakikipag-usap din daw ang KSMBPI founder sa iba pang network at radio stations para mapanood ang WPS sa buong Pilipinas.


Kasama rin sa digital advocacy series na ito ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo, ang dati ring Vivamax star na si Ayanna Misola, ang dating Eat… Bulaga! host na si Daiana Menezes, si Jeric Raval at marami pang iba.


 

AMINADO ang I Heart PH host na si Valerie Tan na hindi first time na may nagsabi sa kanyang kahawig niya si Toni Gonzaga.



At bukod sa malaking pagkakahawig nila, puwede ring itapat kay Toni pagdating sa hosting si Valerie dahil napaka-fluent nitong magsalita both in Filipino and English.

No wonder, 17 years na palang host si Valerie na na-discover sa May Trabaho Ka reality show noon sa GMA Regional TV.


Bukod sa pagiging host ng I Heart PH na nasa Season 9 na ngayon, mabili rin siyang host sa mga corporate shows and events.


Idol daw ni Valerie as host ang makakasama niyang host sa I Heart PH na si Rovilson Fernandez na marami na ring experience sa hosting at beterano nang maituturing.


Sa bagong season ng I Heart PH na nagbabalik-GMA-7 at nagsimula nang mapanood noong Sept. 22, at 10 AM, maraming tips ang matututunan ng mga manonood na nangangarap magpatayo ng dream house. 


May tatlong social media influencers na architects ding makakasama sina Valerie at Rovilson para magbigay ng mga payo tungkol sa pagpapatayo ng bahay.


Kaya naman, haping-happy si Valerie Tan sa pagbabalik niya sa GMA-7 kung saan siya nagsimula at ngayon ay muling makakapag-contribute para sa kaalaman ng mga Kapuso viewers.



Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page