ni Lolet Abania | October 27, 2021
Pinal nang naitakda ang petsa ng koronasyon para sa pinakamagandang babae sa sansinukob.
Inanunsiyo ngayong Miyerkules ng mga organizers ng Miss Universe 2021 pageant na ito ay gaganapin sa Disyembre 12, 2021, 7:00PM ET (Disyembre 13, 7:00AM sa Pilipinas).
Ito ay aired live mula sa Red Sea resort sa Eilat City, Israel, at si Steve Harvey ang napiling host ng event. Si Noa Kirel, ang international pop star, ay isa sa mga nakuhang performers ng pageant.
Ang mga naggagandahang kandidata mula sa tinatayang 100 mga bansa ang inaasahang maglalaban-laban sa korona para sa 70th Miss Universe pageant, kung saan ibo-broadcast ito sa buong mundo.
Kokoronahan naman ang itatanghal na bagong reyna ni reigning Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico. Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City na nagwagi ng titulo nitong Setyembre, ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2021.
Comments