ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 6, 2024
Photo: Heart Evangelista at Pia Wurtzbach - Instagram
Emosyonal pa rin si Heart Evangelista sa tuwing napag-uusapan ang paghihiwalay nila ng kanyang dating glam team noong nakaraang taon.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast ay naitanong sa kanya ng host kung ano na ang status nila ngayon ng ex-glam team at habang sinasagot ito ng aktres ay medyo naging teary-eyed na siya.
“Siguro, ganito na lang ‘yun. Kasi mababaliw ako kakaisip,” simula niya.
“Ang tatandaan ko na lang is ‘yung mga taong minahal ko nang mga time na ‘yun,” sey niya na nagsisimula nang maging emosyonal.
“Hindi ko iisipin kung ano talaga sila o ano sila ngayon, ‘di ko binabasa kung anuman ‘yung nasasabi online, but I will try to cherish the times that I thought mahal nila ‘ko.
“And I think that will keep me sane,” aniya.
Nagkomento naman si Nelson na kitang-kita sa mga mata ni Heart na hurting pa rin ang aktres.
Ani Heart, “It’s a slow process, it takes time for you. It’s not that I haven’t moved on.”
At hindi rin daw dahil hindi pa siya nakakapagpatawad.
“It’s just, ganu’n lang kasi talaga ako magmahal,” aniya.
Dagdag pa niya, “Pero I have to learn slowly to unlove people. That’s painful for me.”
Natanong din sa kanya ang tungkol sa estado nila ngayon ni Pia Wurtzbach na sinasabi ngang ‘kaalitan’ niya at ayon kay Heart ay wala naman daw silang problema at okay sila.
“Nag-ano pa nga siya ng hashtag dati na ‘Heart made me do it’ so I was very touched. But I truly wish her the best,” she said.
Wish din niya for Pia na hindi nito maranasan ang mga hirap na naranasan niya noong nagsisimula pa lang siya sa fashion world.
“Sana, maging okay siya at sana, hindi niya maranasan ‘yung mga naranasan ko sa nakaraan,” sey ni Heart Evangelista.
NATUPAD na rin sa wakas ang dream ni Barbie Forteza na makapanood ng Eras Tour concert ng idol niyang si Taylor Swift.
Makikita sa Instagram (IG) account ng aktres ang videos and photos while watching Swift’s concert in Indianapolis, USA.
“It’s been a long time coming,” caption ni Barbie na isa rin sa linya ng kanta ni Taylor na Miss Americana & the Heartbreak Prince.
Mapapanood sa mga videos na masayang-masaya si Barbie sa concert habang sinasabayan ang mga hit songs ng idolo na Cruel Summer, All Too Well, August, Illicit Affairs, and I Can Do It With A Broken Heart.
Maging ang mga kaibigan and loved ones ni Barbie ay masayang-masaya for her kabilang na ang boyfriend niyang si Jak Roberto.
“Dream come true, Mahal! Deserve!!!” komento ni Jak na hindi nakasama kay Barbie sa US.
Matagal nang true-blooded Swiftie (tawag sa mga fans ni Taylor) si Barbie and very open naman siya about it. At noon pa siya excited na mapanood ang Eras Tour pero dahil inuna niya ang pagpapagawa ng bahay for her family, hindi siya makabili ng tiket dahil nanghihinayang siya sa malaking gagastusin.
Sey pa ng aktres noon sa interbyu, “I just feel like it is a splurge for me,” na ang tinutukoy ay ang pagbili nga ng tiket para sa concert tour sa labas ng Pilipinas.
Magugunita ring isa sa mga nawindang si Barbie Forteza nang malaman noon na hindi kasama sa listahan ng Eras Tour ang Pilipinas. Nag-post siya at kinuwestiyon kung bakit hindi kabilang ang ating bansa sa Asian tour ni Taylor Swift.
留言