ni Nitz Miralles @Bida | June 20, 2024
May bagong pang-asar ang mga fans ni Heart Evangelista sa mga fans ni Pia Wurtzbach at kay Pia na rin mismo. Si Heart daw ay may pelikula at international movie pa at ipapalabas sa ibang bansa. Si Pia, hanggang pagrampa lang daw sa mga Fashion Week at walang pelikula na mapapanood ng kanyang mga supporters.
Wala pang sagot ang mga fans ni Pia sa bagong isyu na ito at hintayin natin ang resbak nila at tiyak na mabigat din ang kanilang pambawi.
Ang tinutukoy ng mga fans ni Heart na international movie nito ay ang Infamous 6, isang action movie directed by Anthony Hickox. Inilabas ang teaser ng movie sa ginanap na 2024 ToyCon sa bansa a few days ago. Sa teaser, makikita si Heart na umiiyak sa isang eksena at may eksena pang parang nasa jail siya. Wala pang binanggit si Heart na playdate ng movie, pero sa kanyang Instagram story, nag-post siya ng “Infamous 6 soon.”
Naikuwento minsan ni Heart na may ginagawa siyang action movie at nag-shooting pa sila sa China. Kung dito, drama at rom-com ang mga ginagawang projects ni Heart, sa ibang bansa ay action. Kakaiba nga at may karapatang ipagmalaki siya ng kanyang mga fans.
Nagsimula na palang rumampa sa Paris Fashion Week si Heart at pasabog agad ang suot nitong Banig dress na gawa ng designer na si Ivarluski Aseron.
Sey ni Heart, “I love love love this, I’ll be posting,” at pinasalamatan siya ng designer.
Ang sipag ni Alden Richards. Kababalik lang mula sa Hong Kong para sa shooting ng Hello, Love Again (HLA), the next day ay nasa taping na siya ng Pulang Araw (PA).
Kaya from Ethan del Rosario na name ng karakter niya sa HLA, nag-shift agad siya to being Eduardo dela Cruz, ang karakter niya sa PA.
Pati ang buhok ni Alden, kailangan ding baguhin, dahil sa PA, kulot ang buhok niya at sa HLG ay ang natural niyang buhok.
Kailangang tapusin ni Alden ang mga eksena niya sa PA bago mag-August dahil aalis siya para sa series of shows sa US at Canada.
Kapag nasa Canada na siya para sa Sparkle Goes to Canada show, diretso na siya sa shooting ng HLA. Baka sa September na makabalik ng Pilipinas si Alden. Buti na lang at may social media, maa-update ang mga fans ni Alden tungkol sa kanya.
Samantala, very proud si Alden dahil ‘yung isa niyang scholar sa Alden Richards Foundation ay may honor sa second semester at third quarter ngayong 2024 school year. Lalong mae-encourage nito si Alden na tulungan ang mga deserving students.
Sasabayan na ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang pagiging visible ni Barbie Forteza sa television dahil dalawang pelikula ang naka-line-up na gagawin ng aktres sa kanila.
Una nang ibinalita na may gagawing pelikula si Barbie na collab ng GMA Pictures at
Clever Minds, Inc., at makakasama niya ang child actor na si Euwenn Mikaell at ang Kapamilya actor na si JC Alcantara.
Kasunod nito ang announcement ng isa pang project na hindi binanggit, pero alam ng mga fans ni Barbie na ito ‘yung pelikulang Penthouse 77 na horror movie.
Ang director ng Mallari na si Derick Cabrido ang director nito. Welcome naman sa mga fans ni Barbie na gumawa siyang muli ng horror movie dahil ang last horror movie pa niya ay ang The Road.
But of course, bago ang dalawang pelikula, unang mapapanood si Barbie sa rom-com nila ni David Licauco na That Kind of Love (TKOL) na showing na sa July 10, sa direction ni Catherine Camarillo at ang anak nitong si Ellis Catrina ang writer.
Silang mag-ina rin ang nag-tandem sa movie na Chances Are, You And I.
Collab uli ang Pocket Media Films at Happy Infinite Productions Inc., sa first movie nina Barbie at David at ang Regal Entertainment pa rin ang magdi-distribute ng movie.
Inilabas na ang trailer na kinakiligan ng BarDa fans nina Barbie at David.
Sana, para sa showing ng movie, magkaisa muna ang mga fans nina Barbie at David. Saka na sila mag-away-away kung sino ang mas sikat sa dalawa, kung sino ang mas maraming endorsement at kung sino ang mas dinudumog sa mga mall shows. Gawin muna nilang box office ang TKOL para masundan ng iba pang pelikula.
Mapapanood din sina Barbie at David sa Pulang Araw na streaming sa Netflix sa July 26 at sa July 29 naman ang premiere sa GMA-7. Tungkol sa World War II ang series sa direksiyon ni Dominic Zapata.
Comentários