ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 7, 2024
Photo: Gretchen Barretto - FB
How true na plano ni Gretchen Barretto na bumili ng building sa Makati City?
And it’s not just one of those big and bonggacious high-rise building sa Makati, huh? May significance raw kasi kay La Greta ang building na gusto niyang bilhin.
But before we reveal kung ano’ng building sa Makati ang ina-eye ni Greta na bilhin, let us consider first ‘yung capability to purchase a building and in Makati City, ‘noh?!
Kung sa building lang anywhere in the country, except sa mga business areas sa Metro Manila, walang duda na kering-keri ni Greta na bumili.
Kaya lang, ang gusto niyang bilhin ay ang isang ‘di ordinaryong building sa Makati which will cost her for sure kundi billion ay hundreds of millions of pesos.
Ganito na ba talaga ka-super duper rich si La Greta, isang bilyonarya? Ka-level ang top richest personalities sa Pilipinas?
Hmmm… puwede, lalo pa’t kailan lang ay nakipag-partner siya kay Atong Ang sa pagiging sabungera.
Not to mention pa ang yaman ng kanyang long-time live-in partner na si Tony “Boy” Cojuangco.
Anyway, ang building daw na gustong bilhin ni La Greta ay ang RCBC sa kanto ng Buendia at Ayala Avenue sa Makati City.
May personal reason daw si La Greta kung bakit sa dinami-dami ng magagandang buildings sa Makati ay ang RCBC ang ina-eye niyang bilhin.
May “kuwentong kutsero” raw kasi ng bad experience ni La Greta sa RCBC. Diumano, madalas daw magpunta roon dati si Gretchen dahil nasa building na ito ang spa clinic na pinupuntahan ng eldest sa Barretto sisters.
Tuwing pumupunta raw si La Greta sa building na ito ay may kasama siyang mga bodyguards. At kabilin-bilinan daw talaga ni La Greta sa mga bodyguards niya na huwag magpapasakay ng iba sa elevator except for her and her P.A. (personal alalay).
Until one time, may nakasakay daw na dalawang babae sa elevator nu’ng pasakay si La Greta — isang medyo may-edad na at ang kanyang secretary. Pinalabas daw ‘yung dalawang babae sa elevator, eh, it turned out na ang isa pala roon ay ang may-ari ng building na si Vivian Yuchengco.
Nu’ng bumalik daw si La Greta sa building, hindi na pinapasok ang dyowa ni Tony Boy. May order daw kasi sa mga guards sa RCBC na La Greta is not allowed to enter the building.
So, never na raw nakatapak sa loob ng RCBC Building si La Greta. At bilang ganti, gusto raw nitong bilhin ang naturang gusali.
Ang tanong, ipagbibili naman kaya ng mga Yuchengco ang RCBC? At kung ibebenta, pumayag kaya sila na si La Greta ang bumili?
Abangan ang susunod na kabanata.
Dating aktor lang ng indie film…
COCO, GUSTONG MAGDIREK AT MAG-PRODUCE NG MOVIE NA PANLABAN ABROD
Balik sa paggawa ng indie films si Coco Martin. But this time, gusto niyang siya ang magdirek ng indie film na gagawin niya.
Hindi naman lingid sa marami na sa “komunidad” ng indie films nagsimula si Coco bilang aktor.
Pero ngayong nagpoprodyus at nagdidirek na rin siya, ibang level naman ang gusto ni Coco sa pagbabalik niya sa kanyang pinagmulan.
Sa interbyu kay Coco ng ABS-CBN, inihayag niya ang dahilan kung bakit gusto niyang magbalik sa paggawa ng indie film.
Ayon sa aktor, “Para bang mag-360 na. Dati, nandito ako, actor lang ako, nangangarap. Tapos, nangangarap ako na mag-TNT (tago nang tago) sa bansang ito. Tapos ngayon, nandito na ako, director na ako, producer na ako ng pelikula na ilalaban (abroad).
“Ngayon nagpoprodyus, then nagdidirek na ako, ang sabi sa ‘kin, 'Sana gumawa ka ng pelikula na ikaw ‘yung direktor, tapos ilaban natin.' Kagaya nu’ng ginagawa namin nu’ng araw.”
Ang tinutukoy marahil ni Coco na ginagawa “nila” nu’ng araw ay ‘yung mga movies na ginawa niya sa award-winning director and mentor niyang si Direk Brillante Mendoza.
Sa true lang, nakagawa na rin kahit paano ng marka si Coco sa international film festival especially sa Cannes International Film Festival with Direk Brillante.
Good decision for Coco na naisip ang ganitong career path hangga’t nand'yan pa si Direk Brillante at keri pa siyang tulungan at i-guide. Malay natin, si Coco ang susunod sa mga yapak nito.
“Sabi ko, ‘yan ang pangarap ko kasi ‘pag nabigyan ko ng time ang sarili ko, lumuwag-luwag lang nang kaunti, gagawa ako ng isang pelikula kahit hindi ako artista,” lahad ni Coco.
“Meron na akong pelikula na ilalaban,” diin ni Coco.
Bukod sa kanyang showbiz career, pinasok na rin ni Coco ang pagnenegosyo. Maglalabas ng sariling dishwashing liquid brand ang aktor. Tinutukan daw talaga ni Coco ang paggawa ng sarili niyang produkto para tiyakin ang mataas na kalidad nito.
“Personally, ako talaga ‘yung tumutok. Ako ‘yung naghanap, talagang sabi ko, ‘pag ito tumayo, ‘pag ito, nairaos ko, nai-launch ko nang tama at ayos, alam ko, hindi ako mapapahiya. Sabi ko, dito magsisimula ang lahat,” pagri-reveal pa ni Coco.
Anyway, huwag palampasin ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC and TFC.