top of page
Search
  • BULGAR

Misis, wala sa family gathering… SEN. CHIZ, NAG-CELEBRATE NG FATHER'S DAY KASAMA ANG AMA NI HEART

ni Beth Gelena @Bulgary| June 24, 2024



Showbiz News


Huli man daw ay naihahabol din. 

Late nang ipinost ng ama ni Heart Evangelista na si Mr. Rey Ongpauco ang pasasalamat sa kanyang son-in-law na si Senador Chiz Escudero. 


Sa Instagram (IG) page ng ama ng Kapuso actress, ipinost niya ang pag-celebrate nila ng Father’s Day kasama ang mga anak at apo. Nasa larawan si Chiz at ang dalawang anak nito sa first wife na sina Chesi at Quino. 


Sa larawan ay nasa harap ng isang table ang pamilya for a fun boodle fight, at makikitang nag-e-enjoy silang kumakain ng inihandang food.


Ani ng ama ni Heart, “Father’s Day with my family. Thank you, mga anak. Salamat @escuderochiz sa napakasarap na Kare-Kare,” at saka itinag ang Senate President. 


Nagkataong wala si Heart sa naturang event. 

Komento ng First Lady ng Senado, “Wala ako (with crying emoji).”

Isang netizen naman ang nagkomento, “Spend time (with) your fam, hindi puro work.”

Bakit nga ba wala si Heart that time, samantalang Father's Day 'yun?


 

Dedma raw kahit makasalubong ang ex-mister…

CARLA, 'DI PA RIN MA-TAKE MAKATRABAHO SI TOM 



Carla at Tom


Natanong si Carla Abellana kung handa na ba siya kung sakaling magkita sila ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez. 


Aniya, kung sakali raw na magkrus ang landas nila ay hindi na raw niya kailangang pansinin o kausapin pa ito. 


Malinaw ang naging sagot ng Kapuso actress. Dinugtungan pa niya ito na hindi pa raw talaga siya handa na makatrabahong muli ang dating asawa. 


Matatandaang nagbalik na rin sa GMA Network si Tom. 


Ang ex-celebrity couple ay divorced na dahil bilang US citizen si Tom ay nag-file ito sa korte ng Petition of Recognition of Foreign Divorce Decree.


 

ANG ganda ni Ryza Cenon, pero hindi siya nag-atubiling magpakalbo. 


Aniya sa kanyang Instagram (IG) page, “BRAVE... the perennial muse @iamryzacenon for another #Sunny16Settings MUA.”


Ang daming nagtataka at nagtatanong kung bakit siya nagpakalbo. May movie raw ba ang aktres at kailangan pa niyang gawin ito in real life o para lang sa kanyang content sa vlog?


Sey ng mga netizens:


“Sayang naman pagpapakalbo kung ‘di gawing content.”


“Ghorl para sa movie!”


“Beautiful face! ‘Pag maganda talaga face, keri ang buzz cut, like Demi Moore and Natalie Portman.”


“Why not kung maganda naman movie n’ya. ‘Di ako magdadalawang-isip sa paggastos & support na rin sa pelikulang Pilipino para gumawa pa ng magagandang movies.”


“Mas bagay pa nga sa kanya 'yung kalbo!!!! So jelly!!”


“Grabe, naalala ko bigla si Sinéad O'Connor sa kanya.”


“Jusko, ‘yung post na lang n’ya na-flood sa mga feeds ko. Masyadong big deal pagkakalbo n’ya.”


Maganda naman ang epekto ng pagpapakalbo ng aktres dahil bumagay sa kanya. 


Sabi nga ng isang commenter, “Maganda ang aktres kapag 'ara' (wala) buhok.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page