top of page
Search
  • BULGAR

Misis ni Vin, kamukhang-kamukha ni Kylie… SOPHIE, PROUD NA ANAK DAW SA LABAS NI ROBIN

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 8, 2024



Showbiz News

Ayon sa ilang showbiz reports, may anak daw sa labas si Senador Robin Padilla na pinangalanang Sophie Albert na asawa ni Vin Abrenica na kapatid ni Aljur Abrenica.

Maski si Sophie ay ikinagulat ang nasabing showbiz reports, ayon sa ilang katotong writers. 


Ang laki kasi ng hawig nitong si Sophie sa anak ni Robin na si Kylie Padilla, lalo na in person.


From afar kasi, aakalain mong si Sophie ay carbon copy ng anak ni Robin na si Kylie.

But somehow, flattered siya na mapagkamalang anak ni Robin. 


For all she knows, baka ‘yun pa nga ang magbigay-daan para magkaroon sila ng project together ni Kylie. Dahil magkamukha nga, they can play sisters. 


At least, mabuting malaman na si Sophie ay walang blood relation kay Robin.

O, ayan na mga Maritess at tribu ni Mosang, klaro na ang isyu, ha? Whether you believe it or not, ‘yun na!


 

SAMAHAN ang ASAP family sa ASAP Natin ‘To (ANT) sa isang bonggang pagdiriwang ng Pinoy Pride sa isang Kapamilya Hero’s Welcome para kay Carlos Yulo ngayong Linggo (Setyembre 8) sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.


Saksihan ang golden performances mula sa OPM icons na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Erik Santos sa kanilang pagsalubong sa Olympic gymnast at 2-time gold medalist na si Carlos Yulo. 


Bibigyang-pugay din ng ASAP ang world dance champion na Team Genesis na nanalo ng 4 gold at 2 silver medals sa United Dance Organization (UDO) World Street Dance Championships. Sasamahan sila ng dance idols na sina AC Bonifacio, Gela Atayde, at Ken San Jose.


Itodo pa ang sayawan kasama ang pinakabagong miyembro ng ASAP Dance Sirens na si Andrea Brillantes na may dalang hot and sizzling moves kasama sina Chie Filomeno at Anji Salvacion.


Maghanda para sa ultimate ‘biritan showdown’ kasama ang mga singing champion na sina Morissette, Jona, at Klarisse De Guzman. Sundan ito ng kapana-panabik na performance ni Regine ng kanyang bagong single.


May handog naman sina Joshua Garcia at Julia Barretto na nakakakilig na awitin para sa tagumpay ng kanilang pelikulang Un/Happy For You (UFY).


Abangan naman ang isang heartwarming Grandparents’ Day tribute kasama ang OPM icons, isang nakakaaliw na kantahan kasama ang Rockoustic Heartthrobs, at ang ubod ng sayang talakayan kasama ang ASAP hosts.


Panoorin ang golden ASAP experience ngayong Linggo, 12 NN, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page