top of page

Misis ni Dingdong pa rin ang Primetime Queen… BEA, TAGASALO LANG NG MGA INAYAWANG PROJECTS NI MARIAN SA GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 20, 2024





Bakit kaya may mga lumulutang na isyu na ang hangarin ay pagsabungin sina Marian Rivera at Bea Alonzo?


Diumano, ang mga projects ngayon ni Bea sa GMA Network ay mga shows na tinanggihang gawin ni Marian Rivera. Pinalalabas na second choice lang si Bea at hindi siya ang priority ng GMa-7. 


Well, bago pa naman pumirma ng kontrata si Bea Alonzo sa GMA Network ay alam ng lahat na si Marian Rivera ang reigning Primetime Queen ng Kapuso. Kanyang-kanya ang titulong ‘yun at hindi puwedeng agawin ng kahit sino. 


Pero, iba naman ang status ni Bea Alonzo as an artist na bankable at sikat na sikat.


Special treatment din ang ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network. Malalaki rin ang kanyang projects at isa na nga rito ang Widows' War na pagsasamahan nila ni Carla Abellana at ng iba pang Kapuso artists. 


Kaya, hindi totoong mga inayawang projects ni Marian Rivera ang kanyang sinasalo. At walang dahilan upang mainggit si Bea kay Marian.


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page