top of page
Search

Misis ni Da King, 'di raw galit sa kanya… JANICE, NILAPITAN SI SUSAN PARA MAGPAKILALA

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 16, 2023



Speaking of Janice Jurado, nakita namin ito sa last shooting day ng Loyalista kaya tsinika na rin namin siya at inalam mismo sa kanya kung totoo bang tinanggal na siya sa FPJ's Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin?


Ito'y matapos ngang kumalat ang recent interview ni Ms. Janice (katukayo pa namin) kung saan umamin diumano ito sa naging relasyon nila ng the late King of Phil. Movies na si Fernando Poe, Jr. (SLN).


Todo-iling ang isinagot sa amin ng dating sexy star at nagpasalamat na buti na lang at binigyan namin ng chance na malinaw niya ang isyu.


Aniya, hinding-hindi niya magagawang bastusin si Da King FPJ lalo na't napakalaki ng naitulong sa kanya nito nu'ng nabubuhay pa.


Nangyari lang daw na tinanong siya tungkol sa naging relasyon nila ni Da King sa isang presscon ng movie niya at tumanggi naman daw siyang sumagot sa pagsasabing, "'Wag na nating ibalik 'yan, wala na 'yung tao, patahimikin na natin siya."


Kaya nagulat na lang daw siya sa edited video na lumabas sa YouTube kung saan pinagtagpi-tagpi ang kanyang mga sinabi para magmukhang umamin siya sa naging relasyon nila ni Da King.


Wala rin daw siyang problema sa anak ni FPJ na si Lovi Poe na kaeksena pa niya sa Batang Quiapo. In fact, nu'ng una pa lang daw silang mag-meet ni Lovi ay alam na nito ang naging friendship niya sa tatay nito.


Kaya wala raw katotohanan 'yung kumalat na tinanggal siya sa FPJBQ dahil na-hurt si Lovi Poe sa mga nasabi niya about Da King.


Aniya, pinagpahinga ang kanyang karakter dahil si Lovi ang madalas niyang kaeksena sa set.


Pero dahil nga magpapakasal na ito, naka-leave ito sa serye kaya 'di rin muna siya mapapanood.


Sa ngayon, wala pa raw linaw kung kelan ibabalik ang character niya pero nangako naman daw si Coco Martin na hindi siya pababayaan nito. Malaki ang pasasalamat niya kay Coco dahil ito raw ang nagbukas ng panibagong pinto para sa kanyang showbiz career.


At nang dahil sa pagkakasama niya sa Batang Quiapo, kung dati raw, kilala siya sa lugar nila bilang "Janice na adik", ngayon ay kilala na siya bilang si Mama Janet na karakter niya sa serye.


Naikuwento rin sa amin ni Ms. Janice na maging kay the late Susan Roces ay nakalapit siya at nakapagpakilala bago ito pumanaw.


Nangyari raw ito sa taping ng FPJ's Ang Probinsiyano, lumapit siya sa aktres habang nagte-taping at nagpakilala, "Tita Susan, ako po si Janice," at ang naging sagot lang daw sa kanya ng respetadong veteran actress ay "Yes, I know you."


Sayang lang daw at hindi na nasundan ang pag-uusap nila dahil nagte-taping ang the late Movie Queen.

 

Game na game sa orgy scene…

SID,TINUHOG ANG MAG-PINSANG MILLEN AY STEPHANIE


Nakakabilib ang pagiging propesyonal at "pagka-aktor" ng mga bida ng Kahalili ng Vivamax na sina Stephanie Raz, Millen Gal at Sid Lucero.


Sa screening-mediacon kasi ng Kahalili lang namin nalaman na magdyowa pala ngayon in real life sina Sid at Millen na gumaganap na mag-asawang desperadong magkaanak sa istorya ng pelikula.


Si Direk Bobby Bonifacio, Jr. pa ang nagsabi sa amin na kaya wala si Sid sa screening at mediacon ay dahil inaalagaan nito ang maysakit na dyowang si Millen.


Ang siste, sa Kahalili, bukod sa mga love scenes nina Sid at Stephanie ay may orgy scene pa sila with Millen. At ang catch dito, mag-pinsan pala sina Millen at Steph!


'Kalokah, 'di ba? Parang kung iisipin mo, talagang awkward ang dating for Stephanie, Millen and Sid na magkaroon silang tatlo ng bed scene knowing na mag-pinsan nga pala itong sina Millen at Steph at magdyowa naman in real life sina Sid at Millen.

Pero sabi nga ni Steph, sina Sid at Millen na ang nagsabi sa kanya — at maging si Direk Bobby — na 'wag matakot sa mga daring scenes at gawin lang niya ang best niya dahil first bida role niya itong Kahalili.


In fairness, naitawid naman nang maayos ni Stephanie Raz ang kanyang role at wa' nga kiyeme ang pamangkin ni Lara Morena sa mga sexy scenes kesehodang may orgy pa with Sid at Millen.


And acting wise, pinuri rin si Steph ni Direk Bobby, kaya nangangamoy may kasunod ang movie niya.


Showing na sa streaming platform na Vivamax sa Aug. 18 ang Kahalili kung saan may malaking role rin sina Mercedes Cabral at Victor Relosa.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page