top of page
Search
BULGAR

Misis nakaaway, nag-suicide.. Mister sabog sa granada, 4 katoma damay

ni Gina Pleñago | February 13, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Dedbol ang 35-anyos na electrician na hinihinalang nagpasabog ng granada kung saan nadamay ang kanyang mga kainuman, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati (OSMAK) si John Al Javier, ng Bgy. Pembo. Ginagamot naman ang apat pang biktima.

Batay sa pahayag ng isang saksi, bago ang pagsabog, alas-3 ng hapon ay kasama siya ni Javier sa loob ng bahay nito kung saan, nakaaway umano ng una ang kanyang misis.

Nagsimula ang inuman ng dalawa alas-4:30 ng hapon at nakita ng saksi na may kinuhang granada si Javier mula sa loob ng isang speaker at itinago sa kanyang katawan.

Alas-7:30 ng gabi, sinabihan ni Javier ang saksi na tawagin ang tatlo pang kaibigan. Nang dumating ang mga ito, nakainuman din nila, at habang nag-iihaw ng isda ang saksi, kinausap siya ni Javier habang hawak ang granada. Tinanong umano siya nito kung sasama siya sa pagpapakamatay o may papatayin lang siya, dahilan upang magpasya na lamang na umuwi ng bahay ang saksi para maghapunan.

Nang paalis na patungo sa bahay ang saksi sinundan pa siya ni Javier at pinipilit na sumama siya sa plano, pero hindi siya pumayag at pumasok na ng bahay. Hanggang sa marinig na ang pagsabog kung saan nasawi si Javier habang apat na iba pa ang sugatan.

Patuloy na iniimbestigahan ni P/Master Sergeant John Robert Baligod ang insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page