top of page
Search
BULGAR

Misis na si Mariel lang ang sumuporta… ROBIN, NEVER IKINAMPANYA NI KYLIE AT IBA PANG ANAK

ni Nitz Miralles - @Bida | May 10, 2022



Natapos ang campaign period na hindi nangampanya ang mga anak ni Robin Padilla at ang asawang si Mariel Rodriguez nga, sa miting de avance na lang lumabas. Pero, ang mga anak ni Robin, wala kaming nakitang sumama sa kanya para mangampanya.


Gaya na lang ni Kylie Padilla na makakatulong sana sa kampanya ng ama, kaya lang, may mga anak ito at nag-locked-in taping ng Bolera. Nang matapos ang locked-in taping, tapos na rin ang kampanya.


Pero siguro naman, magiging proud si Kylie at mga kapatid nito kapag nanalo si Robin at naiproklamang senador.


Speaking of Kylie, tapos na nga ang taping ng Bolera at naka-schedule na ang world premiere sa May 30. Billiard player ang role dito ni Kylie bilang si Joni na lumabas ang husay sa larong ito sa sportserye ng GMA-7.


Sa direction ni Dominic Zapata, Kylie was given all the push ng network para maging successful ang Bolera. Mula sa cast, pinag-training din siya sa mahuhusay na billiard players gaya ni Efren “Bata” Reyes at may cameo pa ang mga players sa sportserye na tiyak aabangan ng mga fans ng mga champion billiard players.


May pa-shoutout si Kylie sa mga nakasama niya sa Bolera na natapos nila kahit may pandemic pa. Kasama niya rito sina Jaclyn Jose, Joey Marquez, Rayver Cruz, Jak Roberto at Gardo Verzosa.


“Most of the time, I don’t have a hard time detaching from the shows that I do. Usually I’m happy to finally be able to let go of a character and a team. BOLERA was hard to let go of. Yesterday was our last day. On the way home, I had a lump in my throat because I was heartbroken at saying goodbye to this show and to the wonderful people. I wasn’t ready.


"This show, this team will now be one of my most favorite experiences on a teleserye. It’s hard to be away from family lalo na isang buwan, pero naging pamilya ko kayo. I want to say thank you to everyone. The cast and crew. I made so many new friends and formed a new bonds with people I now have grown to love. Thank you for this experience. I am so extremely proud of our show. Can’t wait for everyone to watch it. I love you feisty Joni Girl. Learnt a lot from you. Thank you again everyone. Mahal ko kayo. #BOLERA.”


Curious lang kami, ibinoto kaya ni Aljur Abrenica si Robin?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page