top of page
Search
BULGAR

Misis mo, Chiz, maraming dapat sagutin… HEART, ANG UNANG GUSTONG MAINTERBYU NI BOY SA GMA-7

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 17, 2022




Naiyak at natigalgal ang King of Talk na si Boy Abunda when asked kung kumusta na siya ngayon sa grand homecoming niya sa GMA-7 na ginanap sa penthouse ng Astoria Plaza last Thursday.


Inabot nang ilang minuto na ‘di nagsalita si Kuya Boy at pilit na kinokontrol ang kanyang emosyon.


Sa kabila nito, tumulo pa rin ang luha niya nu’ng umamin na “Okay na hindi okay.”


“Ahhh… wow! Tama ka, I’m OK but I’m not OK,” sabay buntong-hininga.


Inuna munang ipaliwanag ni Kuya Boy kung bakit siya “okay.”


“Okay ako dahil napakalaki nitong pagsalubong sa akin ng GMA-7. I am deeply, deeply grateful.


Mula kay Atty. Felipe (Gozon), kay Lilybeth (Rasonable) hanggang kay Ardie, kay Cesar Cosme na nakasama namin sa mga meetings, kay Loi, kay Bang, kay Janine, lahat-lahat, kay Rommel, kay Reylie.


“I am honored. I am deeply honored by the welcome that I have been given. I’m deeply, deeply honored,” pahayag ni Kuya Boy.


On his being “not okay,” inamin ni Kuya Boy na nakipag-iyakan kasi siya habang nagpapaalam.


“Pumanaw ang nanay ni Bong (Quintana), my partner, kahapon. It’s not easy. These are tough times. And ahhh… kase-celebrate lang namin nu'ng death anniversary ng nanay.


“Katulad ng marami, alam mo 'yun, halu-halo ang pakiramdam mo. Kanina nga, paalis ako ng bahay, si Bong has a runny nose. Sabi ko, ‘Mag-iingat ka,’ kasi nandito pa rin talaga tayo sa gitna ng pandemyang ito.


“So, bumabalik ako from not OK to OK, to not OK to OK, dahil nalampasan natin, lumaban tayo nang maayos. Nami-miss ko ang nanay (ang ina ni Kuya Boy na si Nanay Lesing), si dating Licerna Romerica Abunda,” ani pa ni Kuya Boy.


Natanong din si Kuya Boy sa naging saloobin niya sa mga batikos na ipinukol sa kanya nu’ng presidential campaign.


“That’s for another engagement,” sabi niya. Magsasalita raw siya sa tamang pagkakataon.


“I will have to tell my story. Bugbog sarado ako. Lahat na yata ng salita, nagamit na laban sa akin. Pero ipinagtanggol din ako ng maraming tao.


“Maraming nagmamahal. Marami ang pumukol, nambugbog, lahat na ng klase ng pananakit. Pero ru'n ko na-realize na iba na talaga ang mundo. Du'n ko rin na-realize na hahawak ako, aangkla ako ru'n sa mga taong mahal ko. Kaya katulad halimbawa, somebody asked me earlier, ‘How do you handle bashers?’ Sabi ko, hindi naman bashers. ‘How do you handle somebody like Bong?’


“You know, Bong my partner of many years would tell me after, halimbawa, a good interview, I felt I did a good interview, sabi ko, ‘Bobong, ganda ng interview ko!’ ‘Ganda mo!’ ‘Gago ka pa rin!’


“You know, somebody who doesn’t take you seriously but who treats you the way you are.


“Ah, kaya ang ipagmamalaki ko lang sa lahat ng pinagdaanan ko — taas-baba ng karera ko, gusto mo man o hindi ang trabaho ko — may inuuwian akong pamilya at mga tao who love me without conditions,” paliwanag ni Kuya Boy.


Sa kanyang pagbabalik-telebisyon at GMA-7, wala pang ibinigay na eksaktong detalye si Kuya Boy sa mga gagawin niyang programa sa Kapuso Network.


Ang tiniyak lang ni Kuya Boy ay kung kailan mag-uumpisang ipalabas ang programa niya sa Siyete, at ito ay sa first quarter ng 2023.


And based sa mga pahayag ni Kuya Boy kung sino'ng GMA artists ang gusto niyang mainterbyu, parang mas eager na eager ang King of Talk na maging first guest niya sa kanyang show si Heart Evangelista.


Agree kami kay Kuya Boy d'yan. Ang dami kasing isyu na kailangang klaruhin ni Heart. At naniniwala kami na si Kuya Boy lang ang bagay na bagay para sa eksklusibong mga pahayag ni Heart.


Bukod kay Heart, nakalinya rin sa listahan ni Kuya Boy ang mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Alden Richards at marami pa.


Lastly, sa promo bago magsimulang umere ang programa ni Kuya Boy, nakiusap siya na ihuli na siyang i-guest sa game show ni Dingdong na Family Feud. Sobrang kabado raw siya sa show ni Dingdong dahil ang dami niyang ‘di alam pagdating sa mga anime.


Sampol pa lang ‘yan ng kadaldalan ni Kuya Boy, huh? Kaya abang na sa mga gagawing shows ni Kuya Boy sa Kapuso Network.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page