top of page
Search

Misis daw ang magpoprotekta sa mister… JESSY KAY LUIS: AKO ANG LALABAN PARA SA 'YO!

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | February 23, 2023




Ipinakita ni Jessy Mendiola ang buong suporta niya para sa kanyang mister na si Luis Manzano sa mensaheng ipinost niya sa Instagram para sa kanilang second wedding anniversary last February 21.


Pahayag ni Jessy sa kanyang IG post, “I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you. (Seven) years together,(two) years married and still counting.


“Isabella and I are so blessed to have you in our lives. I prayed for you every day, my love. God heard my prayer and gave me a good man.”


Siyempre, alam na marahil ng marami ang tinutukoy ni Jessy na “battle” na kinakaharap ngayon ni Luis. Ito ay ang reklamong inihain laban kay Luis ng mga investors ng dati niyang kinabibilangang kumpanya, ang Flex Fuel.


Sa isang radio program ay naging paksa ng mga komentarista — kung saan ang ilan sa kanila ay mga abogado — ang kinakaharap na issue ni Luis.


Tinanong ng host ng radio show ang eksperto sa batas na si Atty. Mark Tolentino kung ano ang chance ni Luis para makalusot sa kasong kakaharapin niya, kung sakali.


“Actually, as a lawyer, may karapatan naman siyang kumuha ng tinatawag na assumption of innocence. Sabi ko nga, walang obligasyon si Mr. Manzano to prove that he is innocent Luis because he is always innocent.”


“‘Yung mga complainant, sila ang may obligasyon. I-prove nila na niloko sila. I-prove nila na that act is a corporate act. Kung hindi nila ma-prove ‘yan, lusot si Mr. Manzano.”


Kahit pa nga raw may video si Luis na nanghihikayat na mag-invest sa dati niyang oil company.


“Oo, puwede ‘yan (discussion sa pag-amin ni Luis sa infomercial na siya ang chairman ng company),” diin ni Atty. Tolentino.


“Possible ‘yan. Pero ang tanong d’yan, as a chairman, ano ang role mo as a chairman according to the articles of incorporation of the Flex Fuel Corporation?”


“So, kailangan nating malaman lang based on the… sa mga complainants, kung sino ba ang nanghikayat sa kanila. Kasi baka nahikayat lang sila based lang sila sa TV, sa YouTube ni Mr. Manzano.”


“Sino ba ang tumanggap ng kuwarta? Saan ba idineposit ang kuwarta?”


“So, ‘yun ang kailangang i-explain nila kasi hindi naman puwedeng lahat, ituro nila kay Mr. Manzano. Kailangang i-prove nila, sino ang naghikayat sa kanila?


“Nu’ng nagpirmahan sila nu’ng investment of contract, sino’ng kaharap nila nu’ng nagpirmahan ng contract na ‘yan?”


“And ‘yung pangatlo, ‘yung P999 thousand na ‘yan, sino’ng binigyan nila? Sino ang tumanggap?”


“'Yun ang kailangan nilang i-explain.”


D’yan mapapatunayan kung sino talaga ang kriminal. Latagan ng ebidensiya.


“Unfair kasi kung palagi nating itinuturo ‘yang si Mr. Manzano kasi sikat. Hindi ganu'n,” esplika pa niya.


So, there.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page