ni Julie Bonifacio - @Winner | September 28, 2022
Nakakatuwang panoorin si Gelli de Belen habang iniinterbyu ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Magandang Buhay ng ABS-CBN. Special guest si Gelli sa Kapamilya morning show kung saan isa si Regine sa mga hosts ng programa with Jolina Magdangal and Melai Cantiveros.
Napakatagal na panahon na ‘di nakikitang magkasama sina Momshie Regine at Gelli on television or kahit sa iba pang public events.
Hindi naman lingid sa showbiz ang nakaraan between Regine and Gelli na may kaugnayan sa mister ng huli na si Ariel Rivera. At kahit okey na silang lahat, muling binabalik-balikan ng publiko ang kontrobersiya involving them.
“Hahaha! Si Madam Gelli, 'di makatingin kay Ms. Regine... awkward naman.”
“Hahaha! Oo nga, ganda talaga ni Ms. Gelli.”
“Medyo, hihi!”
Ang mga netizens talaga, napapansin lahat!
The mere fact na pumayag si Gelli na mag-guest sa Magandang Buhay, malinaw na malinaw na super okay na sila ni Regine. Maaaring hindi nakikita in public na magkasama sila pero matagal na silang nagkaayos.
Samantala, hindi napigilan ni Gelli ang umiyak after mapanood ang mensahe para sa kanya ng dalawang anak nila ni Ariel na sina Julio at Joaquin na kasalukuyang nag-aaral sa Canada. Kahit six years nang nasa Toronto, Canada sina Julio at Joaquin, ‘di pa rin maka-get-over si Gelli sa lungkot na ‘di kasama ang mga anak sa Pilipinas.
But, super proud si Gelli sa na-accomplish ng mga anak sa Canada. Ang panganay niyang si Joaquin ay nag-aaral para maging piloto, habang ang bunsong si Julio ay dean’s lister sa kursong Kinesiology sa York University.
Bukod d’yan, ang nakaka-impress pa sa mga anak ni Gelli ay kahit mga lalaki at sikat ang kanilang mga magulang, ‘di sila nahiyang pasukin ang pagnenegosyo bilang “side hustle.”
Nagbebenta ng biko sina Julio at Joaquin tuwing weekends. Sila raw mismo ang gumagawa ng biko na natutunan nila mula sa kanilang grandfather.
“Kasi itong biko na ‘to, recipe ng father-in-law at mother-in-law ko ‘yan. That’s what they (in-laws) make ‘pag may party kasi they used to cater, eh. ‘Pag may mga party, ganyan, gagawa sila,” tsika ni Gelli sa episode ng Magandang Buhay last Monday, September 26.
Napapanood ang Magandang Buhay mula Lunes hanggang Biyernes, 11 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC and TFC.
Comments